ULAT SA LALAWIGAN 2023 NI GOV. TAN AT PERFORMANCE RATING NI CONG. AMANTE

IKINALUGOD ng mga taga-Quezon ang mga naging ulat ng kauna-unahang babaeng gobernador ng lalawigan ng Quezon sa kanyang State of the Province (SOPA).

Siyempre, ang SOPA ni Governor Dra. Helen Tan ay sumentro sa kanyang programang Healing Agenda. Sinasabing ang kahulugan nito ay “Health, Livelihood, Education, Agriculture, Infrastructure, Nature & Environment/ Tourism at Good Governance.”

Nagmarka rin ito ng unang isang taong panunungkulan ni Tan sa dinagsang Quezon Convention Center. Una na nga rito ay ang pagbabago at improvement sa Quezon Medical Center (QMC) na noon nga naman ay naging naging tampulan ng kontrobersya.

Kung maaalala kasi, nagkaroon ng mga sari-saring isyu sa QMC gaya ng pagkakatuklas sa nabubulok na mga hospital waste noong panahon ng pandemya, masasamang pag-uugali ng ilang mga kawani, at iba pa. Nariyan din naman ang kanyang “Konsultasyong Sulit at Tama” o Konsulta Package ng PhilHealth sa probinsya.

Bilang bahagi ng pagtataguyod sa Universal Health Care (UHC) Act kung saan siya ang may-akda, aba’y nilagdaan ng masipag na gobernadora ang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang lahat ng lokal na punong ehekutibo ng lungsod at munisipyo at Department of Health (DOH).

May kaugnayan ito sa pagpapatupad ng Province-Wide Health System Integration na kung susuriing maigi ay una sa bansa. Sinisikap ni Tan na mapaunlad pa ang Quezon at gawing nagungunang destinasyon pang agri-turismo sa buong rehiyon pagsapit ng 2030 habang naideklara na rin ang lalawigan ng mga kinauukulang ahensya bilang “insurgency free.”

Samantala, muli namang itinanghal bilang Top 2 District Representative sa buong CALABARZON Region si Congressman Loreto “Amben” Amante.

Ito’y batay sa kanyang job performance ratings mula June 25 – July 5, 2023, ayon sa RP – Mission and Development Foundation Inc., isang independent at non-commissioned survey firm.

Nakapasipag naman kasi ng mama at lahat ng mga ginagawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Kaliwa’t kanan ang mga proyekto ni Cong. Amben ngayong nasa 12 buwan pa lamang siya sa kanyang puwesto.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!