ULAT SA LAPTOP PROBE ILALABAS NA

IGINIIT  ni Senador Francis Tolentino na ilalabas na ng Senate Blue Ribbon Committee bago ang Pasko ang ulat sa imbestigasyon sa P2.4 bilyong transaksyon sa pagbili ng laptop ng Department of Education (DepEd).

“Siguro po before Christmas break we’ll have the committee report and as we have done before, we will release the dispositive portion in advance,” ani Tolentino, Chairman ng Blue Ribbon Committee.

Magpapahinga ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa Disyembre 17 hanggang Enero 22, 2023.

“Nag-aalangan nga ako kung ilalabas ngayong Kapaskuhan o hindi e pero kung ilalabas mo naman sa January baka sabihin naman bagong taon na bagong taon nilabas. So dahil issue ito ng 2022, ilabas na natin ngayong 2022,” dagdag pa niya.

Ayon sa senador, 95 percent ang natapos ng committee report. LIZA SORIANO