Ang Ulirang Guro sa Filipino ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at karapat-dapat na guro na gumagamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo.
Alinsunod sa layunin ng KWF na manghikayat at magpalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo, mga grant, at mga gawad, hinahangad ng tanggapan na makilala at maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.
Guro ang pundasyon ng sibilisasyon, at sa ganitong pananaw isinilang ang Gawad Ulirang Guro sa Fili-pino na kumikilala sa mga natatanging guro na pawang nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalino at malikhaing gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina, saanmang rehiyon sila nagmula, at naka-pagpamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana ng bansa.
Kinikilala rin nito ang mga pambihirang gawain ng guro, sa mga anyong gaya ng akademikong ugnayan, saliksik, at pagpapalaganap ng wika upang mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na kasangkapanin ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa mataas na antas at tungo sa ganap na kapa-kinabangan ng mga mamamayang Filipino.
Tuntunin sa Ulirang Guro sa Filipino 2019
1. Bukás ang timpalak sa lahat ng gurong nagtuturo gamit ang wikang Filipino bílang midyum ng pag-tuturo sa anumang asignatura/disiplina, mula elementarya hanggang tersiyarya, maliban sa mga ka-wani ng KWF at mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
2. Bukod sa indibidwal na aplikasyon, maaaring magpadala ng nominasyon ang mga Tagapamanihala ng Paaralan, Prinsipal, at Pangulo ng kolehiyo/unibersidad.
3. Ang mga aplikante ay kinakailangang magtaglay ng sumusunod na katangian:
a. May hawak na kaukulang lisensiya (LET para sa nasa antas sekundarya at elementarya, masterado o yunit sa MA para sa kolehiyo), full-time at may permanenteng istatus.
b. Nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon bílang gurong nagtuturo gamit ang Filipino at kasalu-kuyang nagtuturo sa anumang antas ng edukasyon at may antas ng kahusayan (performance rating) na hindi bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.
c. May makabuluhang ambag sa mga saliksik pangwika at pangkultura ng rehiyon. (Bibigyan ng ma-laking puntos ang mga nagawang saliksik lalo na sa agham at ibang disiplina).
d. Nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa larang ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng publikasyon, seminar, pagsasanay, pa-lihan, at iba pang katulad na gawain.
e. Nanguna sa pagpapahalaga sa pamánang pangwika at pangkultura ng Filipinas kaagapay ng pagtata-guyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.
f. Nanguna sa paggamit at pagpapalaganap ng Ortograpiyang Pambansa. (Minamarkahan batay sa pag-gamit ng Ortograpiyang Pambansa sa pagsulat ng saliksik at korespondensiya opisyal.)
g. Nakatanggap ng parangal at/o iba pang gawad kaugnay sa kaniyang propesyon (opsiyonal).
4. Para sa Paunang Pagpili (Preliminary Judging):
4.1 Maaaring magpása ang paaralan/dibisyon ng higit sa isang nominasyon. Ang bawat nominado at aplikante ay kailangang magsumite ng sumusunod:
a. Pormularyo ng aplikasyon; at
b. Komprehensibong Curriculum Vitae.
(Ang pormularyo 2019 at template ng CV 2019 ay maaaring madownload sa websayt ng KWF.)
4.2 Ang huling araw ng pagsusumite ng mga nominasyon/aplikasyon ay sa 1 Hulyo 2019.
Ipadala sa email adres: [email protected] o sa opisina ng KWF sa adres na Lupon sa Ulirang Guro 2019 Komisyon sa Wikang Filipino Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel 1005 San Miguel, Maynila o sa pin-akamalapit na Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa inyong lugar.
5. Ang mapipili sa Pre-judging na susulatan ng KWF ay kailangan magsumite sa o bago ang 2 Agosto 2019 ng sumusunod:
5.1 Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang paaralan na naglalahad ng sumusunod:
a. Katunayan ng kagalingan bílang guro sa Filipino o guro na gumagamit ng Filipino sa kaniyang pag-tuturo na may makabansa at makatáong kamalayan.
b. Katunayan ng No Pending Case at hindi naakusahan at napatunayang nagkasalà sa anumang kasong administratibo, sibil, o kriminal.
5.2 Kopya ng isang taóng Performance Rating na hindi bababà sa Very Satisfactory (VS).
5.3 Folio ng natanggap na gawad/pagkilala, kopya ng mga pananaliksik, publikasyon (aklat, journal, pa-hayagang pangkampus, atbp.) mga naisagawang seminar o palihan, at iba pang proyektong may kaugnayan sa wika at kultura.
5.4 Kung nagtuturo ng ibang asignatura o disiplina, ilakip ang mga patunay na nakapagtuturo gámit ang Filipino. Hal. modyul, banghay-aralin, silabus, pagsusulit, at iba pang kagamitang pampagtuturo na-susulat sa wikang Filipino.
5.5 Kung sa KWF isusumite ang lahok, kailangang magsumite ng hard file copy ng mga dokumento at soft copy na nasa CD. Ipadala sa adres na nakalagay sa itaas.
5.6. Kung sa tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ipadadala ang lahok, kailangang magsumite ng dalawang (2) hard copy file at soft copy file na nasa isang CD. Maiiwan ang isang kopya ng hard copy file sa tanggapan ng SWK.
6. Isasama sa mga nominado ang mga napilí sa preliminary judging noong nakaraang taon (2018) na mag-a-update ng kanilang mga dokumento. Ngunit kung walang idadagdag sa mga dokumentong nai-pasa noong nakaraang taon, hindi na ito isasama.
7. Hinihikayat na muling magsumite ng mga lahok ang mga sumali noong taóng 2014 hanggang 2018 sa gawad na ito maliban sa mga nanalo na.
8. Makatatanggap ng medalya at katibayan ng pagkilala ang mga mapipiling Ulirang Guro sa Filipino. Sasagutin din ng KWF ang transportasyon at akomodasyon ng nanalo sa pagdalo sa Gabi ng Gawad.
9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng isinumiteng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik ng KWF.
10. Para sa karagdagang tanong at detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
Telepono: (02) 243-9855
Email: [email protected]
Website: www.kwf.gov.ph
Comments are closed.