ULO NG KELOT DUROG SA DUMP TRUCK

truck

ISABELA – DUROG  ang ulo at kamay ng isang lalaki  matapos itong masagasaan ng dump truck  na nawalan ng preno at salpukin nito ang tricycle na sinasakyan ng biktima habang mabilis na binabagtas ang national highway sa bayan ng Reina Mercedez.

Kinilala ng mga tauhan ni P/Capt. Mario Dicipulo, deputy chief of police ng Reina Mercedes Police Station, ang biktima na si Jordan Genova, 49-anyos, residente ng Nacalma, Benito Solive, Isabela.

Habang ang driver ng dump truck ay nakilalang si Erwin Ramirez, 30-anyos, residente ng Villa Imelda, Cauayan City, Isabela, at ang driver ng tricycle ay si Roel Dalere na lulan din nito ang kanyang misis at anak na 10 taong gulang na mapalad na hindi nasugatan nang sila ay salpukin nang nasabing dump truck.

Sa imbestigasyon ng PNP-Reina Mercedes, galing ng Cauayan City ang tricycle at papauwi na umano ito sa bayan ng Benito Soliven ang mga biktima habang nakasunod ang dump truck nang mawalan ito ng preno at salpukin ang likuran ng tricycle na ikinahulog ni Genova at magulungan ito sa ulo at kamay na siyang ikinamatay kaagad ng biktima.

Reckless imprudence resulting in homicide ang isasampang kaso laban sa driver ng dump truck na nasa kostodiya na ng PNP-Reina Mercedes Police Station. IRENE GONZALES

Comments are closed.