ULTIMATUM KAY COACH

on the spot- pilipino mirror

SINO itong coach na delikadingding na sa kanyang team? Kapag ‘di umano nag-level up ang performance ng team ni coach sa susunod na conference ay siguradong papalitan na siya. Ilang beses na siyang binigyan ng chance ng management para pataasin ang performance ng koponan pero walang nangyari. Kaya dapat kay coach ay pagbutihan na niya ang pagko-coach sa koponan.

oOo

Wala na sa Bulakan Kuyas si coach Britt Reroma at  pasamantalang pumalit sa kanya ang asst. coach ng koponan. Napansin namin na nasa team na si coach Raplh Rivera ng Fatima University. ‘Di kaya si coach Rivera ang hahalili kay coach Britt? Malalaman din natin ‘yan.

Nag-resign naman  as head coach si Biboy Simon sa kampo ng ­Soccsksargen Marlin On. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang panalo ang team. Si asst. coach Manny Toralba ang pumalit sa kanya. Sabi nga ni coach Arlene Rodriguez, nakita nito na malakas ang team ng Soccsksargen kung maaayos ang takbo ng koponan. Good luck!

oOo

Naiuwi ng San Miguel Beer ang kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup sa Game 6 noong Friday. Napili naman si Terrence Romeo bilang Finals  MVP. Buo na ang PBA career ni Romeo, nakakadalawang championship na siya kaya happy na ang dating FEU Tamaraws player.

Ang inaasam nga­yon ng Beermen ay ang maka-grandslam, ang masungkit ang kampeonato sa darating na Governors’ Cup na magsisimula sa Set­yembre 12, kung ‘di ako nagkakamali. Bakasyon muna ang mga player ng SMB para makapagpahinga sandali. Congrats!

oOo

Kapansin-pansin na dinededma ni TNT import Terrence Jones ang personal na paghingi ng tawad ni Arwind Santos. Ilang beses na nag-attempt si Santos na kamayan at yakapin si Jones pero ‘di siya pinapansin ni Jones. Ayon naman kay Terrence ay wala na sa kanya ang nangyari.  Ang nasa isip niya ay ang maglaro lang. ‘Di man aminin ay nakikita nating masama pa rin ang ang loob nito kay Arwind. Nakita kasi ng pamilya ng import ang panlalait sa kanya ng Pinoy player. Pinagmulta nga ng PBA si Santos ng P200k dahil sa kanyang ginawa.

Malaking katanu­ngan ngayon sa PBA, si Arwind ay humingi ng kapatawaran at nagmulta ng P200k. Walang suspension na ipinataw ang liga. Paano naman ang kaso ni Calvin Abueva na parang wala namang pinagkaiba?  Sumayaw si Abueva, habang si Santos naman ay nag-monkey gesture kay Jones. Sana naman ay muling buksan ang kaso ni Abueva o pag-aralan ulit ito para naman makabalik siya sa  PBA. Bring back Calvin Abueva sa PBA.

Comments are closed.