ULTIMATUM SA POGOs

DUTERTE-ONLINE GAMBLING

BINIGYAN ni Presidente Rodrigo Duterte ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ng tatlong araw para bayaran ang kanilang pagkakautang sa buwis.

Ang ultimatum ay ibinigay ng Pangulo sa eksklusibong panayam ng CNN Philippines noong Biyernes.

“They are now ordered to register with the BIR and kumuha ng tag number… You better settle that utang or else gawin ko kayong pugo,” wika ni Duterte.

Nang tanungin hinggil sa deadline, nauna niyang sinabi na 24 oras pagkatapos ay ginawang tatlong araw.

“Huwag ninyong lokohin ang Filipino kasi ang Filipino ay hindi loko-loko,” anang ­Pangulo.

Sinimulan ng Bureau of Internal Reveue (BIR) ang crackdown nito sa POGOs noong September 25 nang ipad­lak nito ang isang operator dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Alinsunod ito sa direktiba ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na isara ang lahat ng POGOs na hindi magbabayad ng buwis. Ayon kay Domingo, tinatayang nasa P21.62 billion ang hindi nababayarang buwis ng POGOs na nag-ooperate sa bansa.

Sa datos ng BIR, may kabuuang ₱1.63 billion na witholding taxes ang nakolekta sa POGOs at service providers mula Enero hanggang ­Agosto ngayong taon. Ang ahensiya ay nakakolekta ng ₱579 million noong 2018 at ₱175 million noong 2017. CNN PHILIPPINES

Comments are closed.