NAGPALABAS ng ‘ultimatum’ ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) laban sa delinquent taxpayers, partiku-lar ang tinaguriang ‘untouchables’ – kabilang ang mga politiko, government officials, business tycoons at iba pang personalidad.
Ayon sa BIR-BOC, hindi sila mangingiming sampahan ng kasong tax evasion ang mga patuloy na magbabalewala sa kanilang tax obligations sa pamahalaan.
Maaaring isa ito sa mga paraan para makabawi ang BIR at BOC sa dinanas na matinding ‘shortfall’ sa tax collections noong nakaraang taxable year.
Isinumite na ng BIR-BOC kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez ang listahan ng delinquent taxpayers na may malaking pagkakautang sa gobyerno at inihahanda na ang legal na aksiyon sa sandaling mabigo ang mga ito na bayaran ang tinatayang bilyon-bilyong halaga ng buwis.
Ang BIR at BOC, sa pamamagitan ng DOF, ay nakikipag-ugnayan na sa mga city at municipal mayor, Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission, Manila Electric Company, Commission on Elections, Philippine Long Distance Telephone Company, Land Registration Commission, Land Transportation Office, barangay officials, local government business and licenses office, assessors’ office at iba pang tanggapan para ma-locate ang kinaroroonan ng mga delinquent taxpayer.
Ang pagsasampa ng tax evasion laban sa mga hindi mahagilap na tax delinquent personalities ay isasagawa sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng regional directors, port collectors, revenue district officers, district collectors, group supervisors, examiners at iba pang opisyal ng BIR at BOC sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.
Target din ng BIR na i-validate ang totoong bilang ng business establishments sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya gaya ng restaurants, de-partment stores, groceries and supermarkets, market stalls, pawnshops, tourist resorts, condominiums at iba pang negosyo. May ganito ring pagkilos ang BOC para naman sa warehouses at iba pang ginagamit na imbakan ng mga inaangkat na produkto sa hinalang hindi lahat ng aktibong kompanya ay rehistrado sa dalawang nabanggit na collecting agencies.
Isang hakbang na lamang ay ganap nang maipatutupad ang pinakahihintay na tax amnesty bill, itinuturing na isang ‘win-win solution’ ng administra-syon ni Pangulong Digong Duterte para ang gobyerno at taxpayers ay magtulungan at makakolekta ng bilyon-bilyong piso sakaling mag-avail ng tax amnesty ang mga tinaguriang delinquent taxpayers.
Ang proposed tax amnesty bill na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso bago pa sumapit ang Kapaskuhan noong nakaraang taon ay naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo.
Ang nasabing bill ay magbibigay ng pagkakataon sa mga taxpayer – small, medium and large – na mabayaran ang pagkakautang nilang buwis, kasama na rito ang estate tax, general taxes, delinquent accounts at iba pang uri ng unpaid taxes.
“This is but another step in the long quest toward an efficient and equitable tax system. The two chambers agreed to make tax amnesty bill ‘pro-taxpayer’ that would atract ordinary citizens who had long wanted to come clean but feared prosecution to finally settle their arrears. For general tax amnesty, the committee agreed that taxpayers would be given the option to choose the rate between two percent of total assets or five percent of net worth or a minimum tax,” paliwanag ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate ways and means committee.
Dagdag pa ni Angara: “Taxpayers can avail themselves of 40 percent of the basic tax delinquencies and assessments, which have become final and executory, 50 percent for cases subject of final and executory judgement by the courts and 60 percent for those subject of pending criminal cases.”
Nakasaad pa sa naturang bill na ang lahat ng mag-a-avail ng tax amnesty program ay awtomatikong ligtas na sa civil, criminal at administative cases, at penalties.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.