Pangarap natupad sa isang Iglap…
Ang Samo at Dasal ipinagkaloob nang ganap.
Ito ang nakamit nang sa Ultra Lotto ay Pinalad…
Nasapol ang mga numero na napakailap!
Dalawa silang Sinuwerte sa 6/58 Ultra lotto Naghati at n agparte…
Taga-Borongan City at Isang taga-Legazpi…
Magbubuhay Hari sa Napanalong kay Laki…
kakaiba talaga kapag dumapo sa’yo ang suwerte.
Nito lamang nakalipas na Martes
kinolekta na ng winner…
kalahati ng mahigit isang Bilyong piso…
Ang pinakamalaking Pot Prize ng PCSO Lotto…
Kay ganda rin pala ng Kanyang kuwento…kapos Siya sa pera at laging problemado.
Sa dami ng nangarap na Lotto ay mapanalunan…
Sa kanila ibinigay ang Premyong Laan…
Gayunman…iwasan n’yong ito ay kainggitan…
Ang pagiging mayaman ay may kaakibat na katungkulan.
Ang yaman na labis dapat nagagamit…
Tandaan n’yo ang “Parables of Talent”…
Pinagkatiwalaan ng Yaman ng Hari ang tatlong niyang Alipin…
“Sa pagbababalik ko magsusulit kayo sa akin”.
Sumapit ang araw nang Hari ay Magtanong…
Ano ang ginawa mo sa yaman na ipinagkatiwala ko sa inyo noon…
Ang dalawa ay nagsulit…namuhunan at tumubo kahit maliit…
Ang isa ay natakot sa Haring Malupit…
ibinaon lamang sa lupa ang yaman upang hindi niya magalaw at magamit.
Nagalit ang hari sa aliping ganid
Pinarusahan ito ng kay sakit.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.