Umaabot sa 19 sasakyan ang nasunog sa NAIA Terminal 3. Mga kuha ni RAOUL ESPERAS
TINATAYANG nasa 19 na sasakyan ang nagliyab habang nakaparada sa parking extension sa NAIA Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.
Sa inisyal na impormasyon, unang rumesponde ang MIAA rescue and firefighting division sa sunog kung saan mabilis na kumalat sa iba pang sasakyan ang apoy dahil sa mga tuyong damo na nagliyab at gumapang sa ilang bahagi ng parking area.
Sa inisyal report ng MIAA, grass fire ang itinuturong dahilan ng sunog na nagsimula ng ala-1:20 ng hapon at tumagal ng hanggang ala-1:57 ng hapon bago ideklarang fire out ng mga rumespondeng bumbero mula sa MIAA.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa lawak ng pinsala ng sunog sa lugar habang hindi naman apektado ang operasyon ng paliparan sa naturang insidente.
CRISPIN RIZAL