UMAATIKABONG BAKBAKAN SA WORLD SLASHER CUP 2020

WSC

MAINIT na bakbakan ang inaasahan sa paglarga ng prestihiyosong World Slasher Cup 9-cock Invitational Derby simula ngayong araw hanggang sa Enero 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Inaabangan ang pagbabalik-rueda nina 2019 champions Nene Araneta, Frank Berin, Rey Cañedo at Jun Durano na dedepensahan ang kanilang mga titulo laban sa mga batikang manlalaro tulad nina WSC-1 champion Claude Bautista at Patrick ‘Idol’ Antonio na target ang ika-8 WSC title ngayong taon.

Sasabak din sa WSC ang mga beteranong tulad ng Escolin brothers, four-time WSC champion at mediaman Rey Briones, Eddie Araneta, Dicky Lim, James Uy, Anthony Lim, Marvin Rillo at daan-daan pang inaasahan na sasali upang magbigay-pugay kay  sabong legend Ray Alexander ng Lincoln, Alabama. Sasaksihan mismo ng anak ni Ray Alexander na si Rayandra Seville ang mga sagupaan.

Hindi rin magpapatalo ang mga sabungero mula sa Hawaii, Canada, United States, Australia at Guam upang agawin ang kampeonato mula sa mga Filipinong manlalaro na matagal nang nangingibabaw sa naturang torneo.

Sasabak din ang daan-daang winged warriors mula sa gamefowl farms dito sa Fi­lipinas maging sa ibang bansa, kabilang ang mga gamefowl breeder na  Boston Sweaters, Griffin Clarets, Yellow-Legged Hatches at Kelsos.

Sa press conference kamakalawa sa Novotel ay labis ang pasasalamat ni Rayandra sa mga Filipinong sabungero sa ipinakitang kabaitan sa kanyang yumaong ama na itinuturing na ‘ambassador of cockfighting’.

“I’m very thankful for the kindness, the generosity, and the respect that all of you have shown through the years,” ang sabi ni Rayandra.

“It’s gonna be something special, and I’m thankful once again that this gonna be a tribute to my dad,” dagdag pa ni Rayandra.

Comments are closed.