UMAATIKABONG HATAWAN (Creamline-Choco Mucho titular showdown simula na)

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)

4 p.m. – Chery Tiggo vs Cignal (3rd Place)

6 p.m. – Creamline vs Choco Mucho (Finals)

MAGMULA nang lumahok sa Premier Volleyball League noong 2019, ang Choco Mucho ay hindi pa nananalo sa sister team Creamline sa kanilang siyam na paghaharap.

Subalit para kay Sisi Rondina, isa sa mga susi sa pagiging title contender ng Flying Titans, kaya nilang talunin ang Cool Smashers kung magtutulungan sila.

“Sabi ko nga paulit-ulit, nadadaan ‘yan sa trabaho and pag gugustuhin talaga namin, siyempre patibayan talaga ‘yan ng tiyaga, trabaho, at pasensya,” sabi ni Rondina.

Ang Choco Mucho ay papasok sa Second All-Filipino Conference Finals bilang heavy underdogs laban sa Creamline sa pagsisimula ng best-of-three series ngayong Huwebes sa harap ng inaasahang malaking crowd sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda ang championship opener sa alas-6 ng gabi, matapos ang Game 1 ng Cignal at Chery Tiggo para sa third place sa alas-4 ng hapon.

Ang Flying Titans ay Finals debutants, na sisiguro sa kanilang unang podium finish sa liga.

Samantala, ang decorated Cool Smashers ay regulars sa pinakamalaking entablado, kung saan sumabak ito sa championship ng 10 beses, at napanalunan ang anim sa mga ito.

Sa kanilang nag-iisang paghaharap sa season-ending tournament, dinispatsa ng Creamline ang Choco Mucho, 25-18, 25-16, 24-26, 25-21.

Makaraang matalo sa Cool Smashers, ang Flying Titans ay nanalo ng 10 sunod bago tumukod sa semifinals opener laban sa HD Spikers.

Pagkatapos ay nanalo ang Choco Mucho sa sumunod na dalawang laro, kabilang ang  25-20, 23-25, 26-24, 25-23 victory noong Martes na bumigo sa  Cignal at nagsaayos sa kanilang kauna-unahang  title duel sa Creamline.

Samantala, unbeaten ang Cool Smashers, kung saan nagwagi ito sa lahat ng kanilang 11 laro sa preliminaries at hindi natalo sa set sa kanilang semis sweep sa Crossovers.

Ang Flying Titans ay hindi makakapasok sa championship round kung wala si Deanna Wong, na maganda ang koneksiyon kina Rondina at  Kat Tolentino. Balik sa porma si Alyssa Valdez matapos ang injury na nag-sideline sa kanya noong late last year habang pinatunayan ni Bernadette Pons, ang dating teammate ni Rondina sa national beach volleyball team, na maaasahan siyang hitter mula sa bench.

Ang nakabibilib ay nakarating ang Cool Smashers sa kinalalagyan nila ngayon na wala sina Jia de Guzman at Ced Domingo, na dinala ang kanilang talento sa ibang bansa.

“We’ve been through a lot without ate Jia and Celine,” sabi ni Tots Carlos, isa sa main offensive weapons ng Creamline. “But we’re really happy we’re here (in the Finals). ‘Yung collective effort ng team maganda yung kinalabasan and also we’re just happy na si Kyle (Negrito) nag-step up din sa game and she knows what to do.” “Masaya kami kasi pasok na kami sa Finals but yun nga. di pa dun nagtatapos one game at a time, one-point at a time,” dagdag pa niya.