UMAATIKABONG TAGISAN NG BOSES PARA SA UNANG ‘THE CLASH’ CHAMPION

NAGPAKITA ng kani-kanilang galing sa pag-awit ang natitirang anim na napakagaga­ling na singers sabuzzday isang panayam kamakailan sa GMA7.

Halos wala ka­ming itulak-kabigin sa sobrang galing ng bawat isa nang magparinig ng kanya-kanyang sample kung bakit sila ang natira sa final six.

Of course, bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang bet at hinahangaan. I am rooting for Garrett Bolden na tinawag nilang “Tower of Power” ng Olongapo City. Napaka-effortless niyang mag-render ng kanyang piyesa at bumagay ang boses niya sa kanyang inawit. Ang transition ng kanyang notes ay hindi pilit dahil alam mong normal na boses niya ‘yun. Maganda ang dynamics na nanggagaling sa kanyang puso, tagos sa puso, kumbaga.

Magagaling naman silang lahat at may kanya-kanyang estilo pero kakaiba ang boses ni Garrett. Sana ay manalo siya. I know he is a versatile singer at bagay kahit anong genre. Kahit mga kasamahan niyang contestants ay bilib sa kanya.

Siguradong hindi bibitaw ang Kapuso viewers sa TV screens as the highly-anticipated grand finals of the country’s intense singing battle, The Clash is held tonight.

Apart from Garrett Bolden, the clashers who made the cut at the Top of the Clash are Anthony Rosaldo, “ang Matinik na Heart-throb ng Valenzuela”; Golden Cañedo, “ang Golden Voice ng Cebu”; Jong Madaliday, “ang Trending R&B Star ng North Cotabato”; Josh Adornado, “ang Cute Crooner ng Cagayan de Oro” at Mirriam Manalo, “ang Fierce Diva ng Pampanga”.

Aminado ang The Clash panel of judges na nahihirapan sila sa pagpili kung sino ang idedekla­rang champion because all of the contestants are showing extraordinary singing skill every week.

Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista revealed that he wants someone who can be an inspiration to aspiring singers.

“I’m looking for a singer that can compete vocally with the best singers in the country and even in the world. I am also looking for someone na nahuhuli rin niya ang puso ng bawat Filipino sa pagkanta niya at isang taong ‘pag kumakanta, tumatagos ‘yung kanta sa audience niya,” he explained.

Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, on the other hand, shares that she gauges her bet by looking at its combined distinct voice quality and charisma on stage.

“Bukod sa magaling sa pagkanta, ang hinahanap ko sa gusto kong manalo ay dapat kaya rin i-exceed yung tinatawag na X-factor at star quality na gusto nating makita kasi siyempre, nakikita natin itong taong ito na susunod na magiging idol ng mga tao,” aniya.

Isiniwalat naman ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha, ang kanyang expectations for the finale.

“’Yung mga clashers kasi natin napakahuhusay e, so for me it’s going to be a tough fight. Pakiramdam ko ako ‘yung unang-u­nang kakabahan for our clashers. Kasi for me, it’s a bittersweet ending because ‘yung mga clashers naging close na ang bawat isa sa amin to the point na we endeared them so much like our own children. Kaya malamang after the grand finals, for sure mami-miss namin sila,” pahayag niya.

The Clash champion will take home more than 4 million worth of prizes including an exclusive management contract with GMA Network, 1 million pesos cash, a brand new car and a Bria house and lot.

Ngayong Sabado, dadaan ang Top 6 clashers  sa kanilang ultimate challenge to be able to reach The Final Battle where only five of them will be able to book their slots in the much-awaited grand finals this Sunday (September 30).

Don’t miss the finale of The Clash this Saturday after Pepito Manaloto and Sunday after Daig Kayo ng Lola Ko on GMA.

DIREK PERCI INTALAN AT JUN LANA RUMESBAK ANG MGA PELIKULA

DIREK PERCI INTALAN AT JUN LANAWHAT a blessing na masasabi ang nangyari sa Idea First dahil ang kanilang pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa Wifi”  was backed last week at SM Cinemas and heard it was doing well, at take note! The ticket price was only P99!

Kaya nagpapasalamat sina Direk Perci Intalan sa SM Cinema at sa kanilang partners at Cignal Entertainment for making this special run possible.

Samantala, ang ka­nilang entry sa Ci­nemalaya na “Distance” naman is competing at the Tokyo International Film Festival Asian Future section this October!

Hindi man ito nakakopo ng maraming awards sa huling Cinemalaya season, bagama’t wagi rito si Therese Malvar as Best Sup-porting Actress, heto at nasa international filmfest naman. Congratulations, Team Distance!

Makikipagkompetensiya ang “Distance” ni Direk Perci sa top honors sa Asian Future, isang section na dedicated sa umuusbong na talents ng rehiyon.

“Distance”  is a family drama about seeking a new form of love.” Pinangungunahan ito ni Iza Calzado, na para kay Direk Perci ay siyang Best Actress, Nonie Buencamino, at  Therese Malvar.

Comments are closed.