UMAK PASOK SA TOP 200 INNOVATIVE UNIVERSITIES NG WURI

NAKUHA ng University of Makati (UMak) ang ika-186 puwesto kung kaya’t napabilang ang unibersidad sa listahan ng Global Top 200 Innovative Universities ng World Universities with Real Impact (WURI).

Sinabi ng UMak na naging mahalaga ang pagkakasama ng unibersidad sa global list kung saan nakuha rin nila ang ika-28 puwesto sa listahan ng lokal na unibersidad sa bansa dahil sa unang pagkakataon pa lamang sila lumahok sa global ranking.

“This significant recognition establishes the position of our institution towards the transformation of the conventional education to strategic, innovative, relevant and responsive learning experience,” pahayag ng UMak.

Ang listahan ng World’s Universities with Real Impact (WURI) ang sumusuri sa mga unibersidad sa buong mundo sa tunay na kontribusyon ng mga ito sa lipunan.

Ibinabase ang ratings ayon sa anim na kategorya na kinabibilangan ng industrial application, value-creating, social responsibility, ethics, and integrity; student mobility and openness, crisis management, at progress during the fourth industrial revolution.

Kabilang sa listahan ng top five universities ang Minerva University, Arizona State University, University of Pennsylvania, Massachusetts Institute of Technology (MIT) at Stanford University na ang lahat ng ito ay nagmula sa Estados Unidos.

Ang mga eskuwelahan naman sa bansa na pasok sa listahan ng top 100 ay ang Far Eastern University – Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) na nasa ika-56 puwesto; FEU Institute of Technology (FEU Tech) (77th) St. Paul University Philippines (81th); Central Luzon State University (86th); Batangas State University (90th); Leyte Normal University (96th); at Cebu Normal University (98th).

Pasok naman sa ranking ng 101 hanggang 200 ang Biliran Province State University (BPSU), Nueva Vizcaya State University (NVSU), Mariano Marcos State University (MMSU), Technological Institute of the Philippines (TIP), Tarlac Agricultural University (TAU), Cordillera Career Development College (CCDC), Cebu Technological University (CTU), Samar State University (SSU), University of Baguio (UB), Saint Louis University (SLU), Central Philippines State University (CPSU), University of Perpetual Help (UPH), Kalinga State University (KSU), University of the Cordilleras (UC), Our Lady of Fatima University (OLFU), University of Eastern Philippines (UEP), Ifugao State University (ISU), Lyceum of the Philippines University Cavite (LPUC), Western Mindanao State University (WMSU), World Citi Colleges WCC), Cebu Normal University Medellin (CMUN), at Universidad de Zamboanga (UZ).

Makikita ang buong listahan sa link na Global Top 100 Innovative Universities | WURI. MARIVIC FERNANDEZ