SIMULA na kahapon ang taas-singil sa toll sa Muntinlupa-Cavite Expressway.
Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), P19 na ang babayaran para sa Class 1 Vehicle, mula sa dating P18, habang P39 sa Class 2 mula sa P37, at P58 para sa Class 3, mula sa dating P55 .
Ayon kay TRB Spokesman Julius Corpuz, hindi biglaan ang nabanggit na toll adjustment dahil noong 2018 at nakaraang taon, hinati ang pagpapatupad ng toll fee para hindi ito masyadong maging mabigat.
Ang dagdag na toll ay kapareho ng pagtaas na ipinatupad noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng TRB, malaki ang maitutulong ng dagdag na toll para mapabuti ang serbisyo sa MCX kung saan umaabot sa mahigit 51,000 ang average daily traffic ng mga sasakyan.
DWIZ 882