HINDI inakala ni Annalyn Gonzaludo, 44-anyos na aangat ang buhay sa pamamagitan ng pag-o-online business ng mga frozen at processed meat products sa panahon ng pananalasa ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Mula sa P3,000 puhunan noong 2020, naisipang magnegosyo dahil sa hirap ng buhay at panahon ng lockdown na kung saan bawal lumabas kaya naman pinagkasya ang naipong pera para kumita.
Nagsimula sa pag-aangkat ng mga itlog na inilalako sa bahay-bahay ang palaging ginagawa hanggang sa itinuro ng anak ang online selling sa pamamagitan ng pagsali sa grupo ng mga nais magbenta sa barangay.
Mula sa egg business ay nakakuha ng tyansa na makapagtinda ng frozen products na tulad ng tocino, longganisa, hotdog, siomai, ham at iba pa na agad namang nai-post sa Facebook Barangay 20 online bentahan at nag-click dahil tinangkilik naman ang kanilang hanapbuhay.
Alam kasi ni Annalyn ang pangangailangan ng bawat pamilya at essential products na kinakailangan ng tao sa araw araw.
“Ako po ang nagpi- pick up ng stocks sa supplier then ide-deliver ko sa mga buyers ko.
Pakonti-konti muna ang stocks ko, hanggang salamat sa suporta ng asawa ko ay nakabili ako ng freezer,” kuwento ni Annalyn.
Nakapag-stock na si Annalyn ng frozen meat products dahil sa nabiling freezer at nairaraos naman ang buwanang bill sa kuryente mula sa kanyang negosyo.
Katuwang nito, ang anak na si Lubelle Therese at asawa na kung walang pasok sa trabaho ay tumutulong sa kanyang sa pagde-deliver sa malalapit na lugar lamang habang ang anak ang nagbabantay sa puwesto.
Napag-isipan nito na magpuwesto ng paninda na malapit sa palengke para mas maraming buyers na kung saan ay hindi na niya kinakaya ang pagde-deliver sa tatlong barangay at pick up na lang ng mga buyer o courier sa kanyang puwesto ang nangyayari ngayon.
Malaking tulong para sa kanyang pamilya ang napiling negosyo dahil naiangat ang kanilang buhay at nairaraos ang araw-araw na kita at para na rin sa pagpapaaral ng anak.
“Sa awa ng Dios at tulong ng anak ko at minsan pag off ng asawa ko kaya hanggang ngayon nakaisang taon na rin kami sa frozen business kaya thankful po ako sa mga taong mulat simula nagtiwala at patuloy na nagtitiwala sa amin”, pasasalamat ni Annalyn.
Malaki ang naitulong ng online group business para sa isang maliit na negosyo. Nagsimula sa egg business si Annalyn at ngayon ay may frozen meat products na at umaasang lumago para mas gumanda ang buhay. VICK TANES
534549 242370I got what you intend, saved to fav, extremely nice web site . 693916
689198 246824This internet site is my aspiration , very wonderful pattern and perfect articles . 318287
528343 947665Found this on MSN and Im pleased I did. Effectively written post. 336453
820557 739534quite good post, i actually enjoy this web web site, carry on it 930522