NAKATAKDA nang ibigay ang huling bahagi ng umento sa sahod para sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan, kabilang ang Pangulo ng bansa na aabot sa halos P400,000 ang suweldo.
Ito na ang ikaapat at huling tranche ng dagdag na suweldong ipinagkaloob sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Kamakailan, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 76 kung saan pinapayagan ang pamahalaan na maghanap ng pondo sa 2018 national budget upang maipampuno sa salary increase ng government employees.
Noong Enero pa dapat nagkabisa ang salary increase subalit, hindi ito mapondohan dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget.
Pero hindi mailabas ang pondo para sa dagdag na sahod dahil sa nabinbing pag-apruba sa national budget ngayong taon, dahilan kaya inilabas ni Duterte ang EO No. 76.
Si Duterte ang kauna-unahang pangulo na mabebenepisyuhan sa Executive Order no. 201 ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan itinataas ang suweldo ng lahat ng manggagawa ng pamahalaan mula pangulo pababa pero hinati ito sa apat na tranches.
Nitong nakaraang taon, nasa P298,083 ang suweldo ng Pangulo kasunod ng ikatlong bugso ng salary increase.
Nakatakdang maging P399,739 ngayong 2019 na tumaas ng P101,656 kung saan ang dagdag sahod ay retroactive mula Enero 1.
Si Pangulong Duterte na nasa Salary Grade 33. DWIZ882
Comments are closed.