MAYNILA – LUMALAPIT sa katotohanan ang umento sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Batay sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), posibleng bago matapos ang buwan (Oktubre) ay maibibigay ang pay hike.
Gayunman, inamin ni Labor Sec. Silvestre Bello III, na patuloy ang pag-uusap ng Regional Tripartite Wages Board sa hiling ng mga minimum wage earner kasunod na rin ng inaprubahang taas-pasahe sa bus at jeep noong Miyerkoles.
Bukod kasi sa National Capital Region (NCR), hindi pa rin nagtataas ang sahod ng mga manggagawa sa Cagayan region at Mimaropa (Region 4B), kumpara sa ibang rehiyon na nauna ng inaprubahan ng board para sa wage increase.
Magugunitang nauna nang sinabi ni Bello na maglalaro sa P20 ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa NCR.
Ito ay mas mababa mula sa P21 o kabuuang P512 na umento noong nakaraang taon.
Sa Lunes ay muling magpupulong ang NCR Wages Board para muling pag-usapan ang panukalang dagdag sa sahod. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.