(Umiiral na sa PhilHealth) MAY PANGIL NA PANUNTUNAN VS PANLOLOKO

PHILHEALTH

IGINIIT ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may pangil na ang kanilang mga hakbang laban sa mga nagkakamaling ospital upang hindi na muli pang mabiktima na panloloko gaya ng fake billing and claims.

Tiniyak naman ng state health insurance sa mga miyembro  na isinagawa nila ang mahigpit na procedure upang hindi makompromiso ang kanilang serbisyo.

Ang hakbang ay tugon ng PhilHealth sa paid advertisement ng isang indibidwal na nanguna sa grupo ng private hospital  na karamihan ay nasa Mindanao na hindi sila nabigyan ng oportunidad na mapakinggan sa formal hearings kaugnay sa kasong isinampa sa kanila.

“Our legal procedures follow strict rules on due process when cases are filed against our providers. These hospitals were properly asked to explain their side on their alleged involvements in fraudulent activities,” ayon kay PhilHealth President and CEO Ret. Gen Ricardo C. Morales.

Sinabi pa ni Morales na pinag-aralan at naging maingat sila sa kanilang hakbang bago nila inilatag ang kanilang desisyon hinggil sa nasabing usapin.

“Proper communications were also given so they can properly notify their patients of their situation,” ayon kay  Morales.

May kaugnayan din ang naging hakbang na withdrawal sa accreditation ng  Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center at Allah Valley Medical Specialist Center Inc. at at suspensiyon ng General Santos Doctors Hospital bunsod ng umano’y pagkasangkot ng mga ito sa fraudulent activities

Tiniyak naman ni Morales na hindi nila kukunsintihin ang mga panloloko sa state health insurer at kanilang kakasuhan ang mapatutunayang lalabag sa polisiya.

Dagdag pa ni Morales na patuloy silang nagsasagawa ng reporma sa PhilHealth at tiniyak ang pagsasaayos at mabilis na aksyon para matulungan ang mga miyembro at partners habang ang mga nagkakamali ay iimbestigahan.

“Do not get us wrong. Our providers are our partners in service but once trust and respect are violated by any of the parties then it is incumbent upon us to investigate and enforce the law. This is what our members are expecting of us, no more, no less” pagdiriin pa ni Morales. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.