UMINOM NG BLUE CLITORIA TERNATEA AT I-UNFRIEND ANG DUKTOR

Luma na ang kasabihang ‘an apple a day, keeps the doctor awa.’ Kung bakit kasi ayaw na ayaw natin sa duktor.

In fairness, maraming dahilan. Una, mahal. Bawat kunsulta, tumataginting na P500 depende pa kung saang ospital o sinong duktor ang kukunsultahin mo.

Sa Makati Medical Center, pinakamababang consultation fee ang P1000, at pipila ka pa ng napakatagal. Nakakainis, hindi ba? Kaya paano mo naman magiging friend ang duktor?

Kahit nga Facebook friend, ayaw mo rin, kasi may online consultation na rin, at mahal din ang bayad.

Kaya kung gusto mong i-unfriend ang duktor, may solus­yon dyan. Ang blue clitoria ternatea, na tinatawag ding butterfly pea flower. Napakarami nitong health benefits para sa iyong utak, balat, buhok, at marami pang iba.

Pampatalino

Ayon sa mara­ming pag-aaral sa mga guniea pigs at mga unggoy, kapag pinaiinom sila o pinakakain ng nasabing bulaklak regularly, ay napapaganda nito ang level ng kemikal na tinatawag na acetylcholine sa kanilang utak.

Kapag mataas ang acetylcholine level sa utak, nababawasan ang memory loss kung nag-uulyanin na, at kung bata pa ay tumatalas ang memorya.

Nakakapag-isip din ng maayos ang umiinom nito ng regular at nabu-boost pa ang overall brain health. Sa madaling sabi, hindi lamang ito nakakapagpatalino. Nakatutulong din ito upang mapa­kalma ang mga may psychiatric problems, na walag side effects.

Nakagagamot sa ilang uri ng cancer

May anticancer properties daw ang Butterfly pea. Kapag regular ang pag-inom nito, dumadaloy ito sa ating katawan upang labanan ang cancer cells. Kapag nakapasok na ang blue clitoria ternatea sa cancer cells, napipigilan nito ang pagdami nila.

May anti-inflammatory properties

Kung sinasabi nilang walang gamot sa rayuma, heto, meron na pala. Ang blue butterfly pea tea ay nakagagamot ng mga pamamaga sa katawan, nakakabawas ng pananakit ng kasu-kasuan at migraine, pati na ang pamamaga ng sugat, pati simpleng sakit ng ulo.

Nakakapagpababa ng blood pressure

Epektibo itong nakakapagpapababa ng blood pressure at nakakabawas ng hypertension. E kung nakakapagpapakalma nga sa may sakit sa utak, yun pa bang may hypertension lang!

Nakakapagpakinis ng balat

Certified antioxidant at detoxifier ang blue clitoria ternate. Naka­kabawas ito ng pangu­ngulubot, nakakapigil sa premature aging, at ini-improve ang overall skin tone and texture.

Nagpapalusog sa anit

Pinalulusog ng butterfly pea ang hair follicles, pinalalago ang buhok, binabawasan ang pagkalugas ng buhok, at binabawasan ang pamumuti ng buhok. Ginagamit din ang butterfly pea na sangkap sa maraming hair shampoos, conditioners, at iba pang hair products.

Nakakatulong sa digestion

Dahil nga ito ay antioxidant, nakaka-relax ito ng sikmura. Meron din itong anthelminthic property na nakatutulong upang patayin at ilabas ang mga bulate sa tiyan.

Tumutulong upang i-regulate ang blood sugar levels

Nakakatulong ang butterfly pea flower tea na i-regulate ang absorption ng sugar sa bloodstream, kaya nare-regulate ang blood sugar levels.

Makabubuti ang tea na ito sa mga pasyenteng diabetic, kung ii­numin kasabay ng iniresetang gamot ng duktor.

Sa mga seryosong medical condition tulad ng cancer, Alzheimer’s disease, dementia, diabetes, hypertension, o serious skin and/or hair problems na nangangailangan ng seryoso ding medical attention, dapat munang tanungin ang duktor kung pwedeng inumin ang blue clitoria ternate kasabay ng inireseta nilang gamot.

Syempre naman, kahit gaano kahusay ang gamot, merong tinatawag na contra-indications na tinatawag. Baka sa halip na makabuti, makasama pa.

Ligtas din itong inumin ng mga buntis na babae, pero syempre, mas mabuti na rin ang kumunsulta sa duktor.  JAYZL VILLAFANIA NEBRE