ni Marietta Morante
Araw ng Sabado sa bayan ng Talisay. Araw na pinakahihintay ng maraming tao para magpahinga, magpulong sa mga ganap. Mamalengke, maglaba maglinis at kung ano ano pa…. dito sa tindahan ang umpukan..
Belya Sari sari store ( Sari saring Kwento)…maagang nagbukas at si Tomas, ang asawa niya, ay paahon sa palengke.
Tomas: Belya, ako nga eh yayao na sa Tanuan para maagang makabalik..
Belya: Ay siya, mag-ingat at huwag kalimutan ang listahan ko sa paninda. Baka naman unahin mo pa ang pagbili ng pupulutanin ninyo sa barikan mamaya.
Tomas: Kainaman ka Belya! Kaaga ng bunganga mo ey! (Bumubulong palayo — baka ka samain sa akin!)
Naglalakad papunta sa sasakyan si Tomas nang masalubong si Merto.
Tomas: Merto, saan ang lakad? Pusturang pustura ah
Merto: Papuntang airport, susundo kay pareng Norman.
Tomas: Hala, parating pala ang big time galing Canada. Isama mo sa amin at maka-bonding
Merto: Ay uu, baka may isama pang isang boteng imported,
Tomas. Mabuti at magluluto ako ng kambing
Abala sa parukyano si Belya. Habang busy ang kamay sa pagkilos eh busy rin ang bibig sa kamamarites.
Belya: Are na ang sabon at sukli.
Marites: Ay naku, mareng Belya, alam mo bang nakita ni Merto iyang si Ana na sinundo ni Pekto? At kung kumilos sila eh parang magjowang tinedyer …panay pa ngisihan… bungisngis… at masaya ga!
Belya: Di ga totoong magsyota nga, pero pamalita eh, magkasosyo daw sa negosyo
Marites: una eh sa negosyo kasosyo, sunod sa kama na kamo mare. Ey, matagal nang hiwalay yaang si Ana sa dating asawa!
May paparating uli sa umpukan.
Ver: Isang kaha nga ng Malboro Belya
Belya: Are ang sigarilyo mo. Di ga pinagmamaneho mo si Pekto?
Ver: Uu, pag malayuan ang biyahe
Marites: Kalat na kalat na ih! Si Pekto’t Ana’y may relasyon.
Ver: ala akong alam dyan!
Belya: Ikaw naman! Ay nang malasing ka dine nung isang gab-i, sabi mo’y pag tinatanong ng kliyente sila Pekto’t
Ana’y pa-cute na laang. Ayaw ga magsalita, eh kilusang magsyota laang talaga.
Ver: Aba, Belya, labas ako diyan. Baka mawal-an pa ako ng hanapbuhay (Umalis ng nagmamadali).
Dumarating ang truck.
Belya: Ay mare, si Tomas tutulungan ko muna. Mamaya natin ituloy ang pulong.
Mabilis na lumipas ang oras. Tuloy ang umpukan hanggang sa gabi. Handa na ang maanghang na kalderetang kambing na pulutan. Simula na ang barikan. Sino kaya ang mala’s na pupulutanin sa umpukan?
Merto: Pareng Tomas andine na ng balikbayan.
Norman: Pareng Tomas may pasalubong akong pampainit galing Canada
Tomas: Walanghiya! Kumusta na pareng Norman? Iba na talaga! Itago muna ang redhorse hehehe
Belya, kumusta na ga? Paparine din si Mareng Marites na tropa ninyo nung high school
Norman : Ayos laang naman. May jetlag pa kaya dapat maka-relax para masarap ang tulog mamaya.
Merto: dumarating na si Marites. Ano ba ang latest?
Marites: Hindi na uso ang latest kasi si Trina na sikat..TINATRAYDOR hahahaha
Belya: Ay naku uu, iyan si Pekto’t Ana’y na barkada ninyo mag jowa na.
Tomas: Belya, kainaman ka! Isara mo nga yang bunganga mo! Wag kang manghusga at magkasama laang sa business sina Pekto’t Ana
Merto: Pare madalas ko nga makita ang dalawa sa Mall sa Munisipyo kahit iyang si Ana”y madalas sa bahay ni pareng Pekto
Norman: Kainaman iyan si Pekto, aba’y nakikita ko yun misis niyan, madalas sa Walmart sa simbahan, kasama-sama yun anak. Ey, kaliit pa kamo.
Marites: Hindi na nahiya yaang si Ana sa mga kinikilos niya! Aba, umayos siya at may mga tao siyang sinasaktan bukod sa mga anak niya. Iyang si Pekto din, dapat makunsensiya
Tomas: Baka naman business partner laang talaga?
Belya: Kung hindi totoo, eh iyan ang sabihin nila sa mga nagtatanong na huwag sila pag-isipan ng gay-an. At sila ay magkasama sa hanapbuhay.
Merto: Tama ka mareng Belya. Ang problema, ay hindi sila nagsasalita para sabihin na hindi sila magjowa. Bagkos, magtitinginan at tatawa sa isa’t isa na parang bulateng inasinan! Kaya sila lalung tampulan ng tukso. Kaya ang lahat, tingin sa kanila ay umamin na. Piling pogi at makisig siyempre si pareng Pekto’t habulin ng babae, samantalang si
Ana’y piling may asim pa siya kaya panay ang punta sa parlor.
Norman: Kaawa-awa ang pamilya ni pareng Pekto dun sa Canada kung totoo man. May ePEkTo iyun sa anak niya, lalaki pa naman.
Marites: Iyang si Ana, dapat alam ang boundery ng kilos ng babae sa pakikitungo sa lalaki kahit magkaibigan o magkanegosyo. Pahalagahan niya ang bawat kilos at salita niya gawa ng sa nakakakita eh nagbibigay siya ng motibo at malisya. Aba’y kung asikasuhin sa pagkain si Pekto, parang asawa sa taranta! Madalas pang magkasabay pumunta sa okasyon dine sa bayan. Ey, siya ay dapat marunong tumanggi kung may isip siya, dahil asa babae iyun. Kaya nalaki ang chismis patungkol sa kanila
Tomas: Iyang negosyo pag sinamahan ng kalokohan eh mamalasin. Ang taong nanloloko at sinungaling eh kahit kailan di matatahimik. Walang peace of mind, walang happiness. Dahil may mga tao silang sinasaktan.
Norman: Karma is a Bitch. Do not do unto others what you do not want others to do unto you. Treat others how you want to be treated. They are both in a big mess. People talk because they see how they both react. Wag nila lulunin yun mga dila nila. Dapat magsalita sa kilos at sa gawa. Prove innocence, disprove guilt. It’s a due process.
Sabay-sabay ang lahat…. Yes your honor (Tawanan ang lahat)
Aral at Gabay:
Sana ay kapulutan ng aral ang umpukang kwento ng buhay. Huwag nating isiping masama na pag-usapan ang buhay ng mga tao. Gawing salamin at repleksiyon ito ng ating asal o pag-uugali, kilos at tingin na dapat.
EDITOR’S NOTE: Ang pagmamarites ay maituturing na isang kulturang Filipino na minana pa natin sa ating mga ninuno. Hindi ito upang makialam lamang, bagkus ay tanda ng pagmamalasakit, lalo na sa kanayunan