(Umukit ng kasaysayan)EALA NASIKWAT ANG US OPEN JUNIOR CROWN

Alex Eala

NAKUMPLETO ni Alex Eala ang kanyang historic run sa US Open kung saan naging unang Pinoy siya na nagwagi ng US Open junior girls’ singles crown.

Pinataob ni Eala si World No. 3 Lucie Havlickova ng Czech Republic sa finals ng torneo, 6-2, 6-4, sa Flushing Meadows, New York Linggo ng umaga (Manila time).

“Buong puso ko itong ipinaglaban hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ‘to panalo ko, panalo natin lahat,” lumuluhang pahayag ni Eala sa trophy presentation.

Nagpamalas ang 17-year-old tennis sensation ng masterful performance sa court kung saan tinapos niya ang reigning French Open girls’ champion sa loob ng 68 minuto.

Naghabol si Eala sa 1-2 sa opening set, bago nagwagi sa limang sunod na laro para makauna kontra No.2 seed Havlickova na nagbigay sa kanya ng momentum upang kunin ang first game ng second set.

Nagawang maagaw ni Havlickova ang momentum at kinuha ang 4-3 kalamangan, ngunit naging matatag si Eala at kinontrol ang sumunod na tatlong laro, kung saan lumamang siya sa 40-15 sa last at 10th game at natalo ang Czech sa championship match sa backhand unforced error.

Bago ang kanyang historic win, ginapi ni Eala sina Canadian Victoria Mboko sa semis at Mirra Andreeva sa quarterfinals.

Nauna nang nagwagi ang Pinay tennis ace ng Grand Slam titles sa junior doubles tournament — noong 2020 sa Australian Open at sa French Open noong nakaraang taon.