NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na malabong makialam ang United Nations sa pamamalakad ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs ( ICAD).
Ito ang naging reaksiyon ni Sotto sa lumabas na report na tutulong ang UN kay Robredo sa kampanya laban sa illegal na droga.
Aniya, hindi naman alam ng UN ang paksiyon ng ICAD kung kaya’t malabo na makialam ito sa pamamalakad ni Robredo.
Iginiit pa ng senador na hindi maganda na makialam ang ibang bansa o anumang international organization partikular na ang UN sa kampanya ng gobyerno ng Filipinas kontra droga.
Dagdag pa ni Sotto na posibleng research lang ang gagawin ng UN at hindi pakikialam sa internal matters ng Filipinas. VICKY CERVALES