UN NAGBABALA SA KAKAPUSAN NG SUPPLY NG TUBIG SA MUNDO

NAMEMELIGRONG  kapusin sa supply ng tubig ang mahigit limang bilyong katao sa taong 2050.

Ito ang ibinabala ng United Nations kasabay ng paghimok sa mga lider na maglatag na ng mga paraan kontra sa nagbabadyang global water crisis.

Sa Climate Change Conference, inihayag ng UN – World Meteorological Organization na noon lamang 2018 ay nasa 3.6 bilyong katao na ang walang sapat na supply ng tubig sa loob ng isang buwan.

Nasa point 5% lamang ng tubig sa mundo ang useable at maging ang fresh water sa mga lawa at ilog bukod pa sa tumataas na temperatura na nagreresulta sa global at regional precipitation changes.

Dahil dito, nagbabago ang rainfall patterns at agricultural seasons na nakaaapekto naman sa food security at human health.

Kabilang sa tinukoy ng UN na namemeligrong makaranas ng water shortage ang Asya, na may pinaka-malaking populasyon sa mundo. DWIZ882

Comments are closed.