MAHABANG karanasan sa pagde-deliver ng branchless banking sa buong mundo ng mahigit na 25 taon, inilunsad ng ING ang unang first all-digital retail banking platform sa Filipinas.
Ito ang unang bangkong awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para payagan ang end-to-end electronic onboarding ng mga customer sa pamamagitan ng mobile phone sa paggamit ng pinakahuling facial recognition technology.
Sa inisyal na produkto, tutukuyin ng ING Savings Account ang papel ng isang savings account. Walang debit card, hinihimok nito ang customers na isantabi ang kanilang pera at pakinabangan ang high interest na 2.5 percent kada taon, walang minimum balance at walang lock-in period. Pinapayagan din ang mga customer na mag-transfer ng funds kahit saang bangko sa Filipinas na walang bayad.
Puwede ring magdeposito ang customer sa kanyang accoung sa pagkuha ng larawan ng kahit anong tseke na inisyu ng kahit anong bangko sa Filipinas. Ang check image ay mapupunta sa parehong interbank check clearing system. Puwede ring mag-transfer ng funds mula sa ibang bangko sa ING via PESONet at InstaPay.
Hindi na mag-aalala ang customers tungkol sa seguridad ng kanilang bank account. Sinisiguro ng ING na ang customer ang siyang tanging tao na puwedeng magpalit ng passcode sa pagbe-verify ng personal details at higit sa lahat, makapag-perform ng facial recognition at ‘liveness’ detection at ima-match sa kanilang database.
Maaring makakuha ng iba pang impormasyon sa kanilang ING bank website at Facebook page.
Comments are closed.