CAMP CRAME – INILUNSAD kahapon ang kauna-unahang Municipal Police Station na patatakbuhin ng lady cops sa Central Visayas.
Ang nasabing himpilan ng pulisya ay nasa Siquijor at ang paglikha ng police station na ang buong puwersa ay kababaihang pulis ay inisyatibo ni Central Visayas Police Regional Director Police BGen. Debold Sinas.
Layunin nito na iangat ang kakayahan ng mga lady cop habang ang nasabing himpilan ng pulisya ay pinasinayaan kahapon.
Ang himpilan ng pulisya ay nasa bayan ng Maria kaya naman isinunod ang theme sa Mariang Pulis.
“This move will strongly advance women empowerment in promoting public safety and security services at all levels of police units and offices in the region,” ayon kay Sinas.
Ang lady force police station ay sumunod sa mayamang kasaysayan ng munisipalidad ng Maria noong panahon ng Kastila nang nagtungo sila sa Siquijor kung saan tinawag ang pagdating ng mga dayuhan na “Kangminya,” na sunod sa kilalang babae nakatira roon.
Sa pagsulong ng panahon ang pangalang Kangminya ay naging “Maria” bilang pagbibigay ng pugay sa “Our Lady of Divine Providence” na naging patron ng nasabing bayan.
Ang bayan ng Maria ay fifth-class municipality na may total land na 53.37 square kilometers, o 15 percent ang laki ng kabuuang Siquijor.
Bago ang paglulunsad, ang Maria Police Station, ay pinapatakbo na ng anim na babaeng pulis, habang si PCol Angela Rejano ang Provincial Director ng Siquijor Provincial Police Office.
Tiniyak naman ng PNP na well-trained ang mga babaeng pulis na itinalaga sa Maria Police station at kasama sa kakayahan ng mga ito ay ang driving, shooting, arresting techniques, at iba pang police operation, intervention procedures gaya sa checkpoint, Automated Fingerprint Identification System (AFIS), at First Aid.
Sa ngayon ay fully operational na ang Maria Police Station na mayroong 21 total police strength na ideyal na puwersa para sa Class C municipality.
“Having initiated this new concept of gender and development for policewomen in Siquijor, the Mariang Pulis signals the time to move forward in promoting the vision and mission of the PNP in creating an opportunity for women to strengthen their role in the context of policing in the law enforcement pillar,” ayon kay Rejano.
Magsisilbing chief of police naman ng Mariang Pulis o Maria Police si Cpt. Judith Besas. EUNICE C.
Comments are closed.