UNANG ARAW NG KLASE SINALUBONG NG 2K MGA REKLAMO

SINALUBONG  pa rin ng mga reklamo ang unang araw ng pagsisimula ng klase sa mga paaralan sa ikalawang taon ng distance learning system.

Batay sa datos ng Oplan Balik Eskuwela – Public Assitance Command Center ng Department of Education (DepEd), aabot sa mahigit dalawang 2,000 ang mga usaping kanilang tinanggap.

Ayon kay Education Usec. Revsee Escobedo, pinakamarami sa kanilang mga natanggap na reklamo ay may kinalaman sa enrollment habang maliit na porsiyento lamang ang sa iba pang bagay.

Kabilang sa mga tinanggap na reklamo ng DepEd ay ang tungkol sa school at policy operations, tauhan ng paaralan, learning continuity plan, senior highschool concerns, program and projects at iba pa.

Umarangkada na ang school year 2021-2022 para sa mga estudyante ngayong ikalawang taon ng distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Pormal na idineklara ni DepEd Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng klase para sa taong ito.

“Last year, we opened classes and we successfully ended those classes. Now, we are opening another school year, isn’t that success worthy of celebration in the light of all our challenges.”

Sa panayam naman ng DWIZ kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, sinabi niyang umabot ng 24.6-M ang bilang ng mga enrollee ngayong taon.

Katumbas aniya ito ng 93% ng kabuuang enrollment na kanilang naitala noong isang taon.

“Pero nakita natin dito na may mga ilan na tayong mga rehiyon na lampas na doon sa kanilang enrollment last year, so this is an indication that all our learners last year are continuing and those that opted to skip last year are coming back.” DWIZ882

8 thoughts on “UNANG ARAW NG KLASE SINALUBONG NG 2K MGA REKLAMO”

  1. 865167 86473Aw, this was a truly good post. In thought I would like to put in writing like this in addition – taking time and actual effort to make a really excellent article but what can I say I procrastinate alot and by no means appear to get something done. 268313

Comments are closed.