NAGING maayos ang unang araw ng transition mula sa enhanced community quarantine (ECQ) patungo sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police BGen. Bernard Banac, walang naitalang major untoward incident sa unang araw ng transition ngunit magpapatuloy ang PNP Command Center sa Camp Crame para sa monitoring sa mga rehiyon at mga probinsya maging sa mga lugar na nasa low at moderate risk na.
Samantala, inamin ni Banac na nahihirapan sila sa pagpapatupad ng ECQ protocols sa pagsasagawa ng disaster response operations sa pananalasa ng bagyong Ambo.
Kinakailangang ipatupad ng mga rumerespondeng pulis ang social distancing habang ginagawa ang evacuation operations para maiwasan ang pagkakahawa hawa ng coronavirus disease (COVID-19).
Comments are closed.