UNANG ARAW NG SIMBANG GABI GENERALLY PEACEFUL

NAGING mapayapa ang unang Simbang Gabi ng Simbahang Katolika, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ito ay resulta ng maigting nilang pagbabantay sa paligid ng mga simbahan at epekto na rin ng paglalagay sa mataas na alerto ng pulisya.

Nakatulong din aniya, ang malakas na police visibility ng pulisya sa mga kalsada at matataong lugar.

“It is important for police to be present and visible during this Christmas season to ensure the safety and security of our communities,” ayon kay Azurin.

Sinabi pa ni Azurin na sa panahon ng pag-oobserba ng siyam na madaling araw para makapagsimba, imo-mobilize ng PNP ang kanilang beat patrol sa mga Simbahan at iba pang religious areas para matiyak ang kapayapaan.

Magugunitang nitong Disyembre 15 ay inilagay na sa full alert status ang buong puwersa ng PNP.

Inaasahan kasi na madagdagan ang mga taong nasa labas ng bahay sa nasabing panahon.

Wala namang naitalang anumang insidente sa panahon ng nasa simbahan ang mga nananampalataya.
EUNICE CELARIO