ANG MGA stag ay napaka-sensitive sa pabago-bagong kapaligiran dahil sila ay territorial in nature, kaya kung magagawan ng paraan na sila ay palaging may nakikitang inahin, lalo sa unang araw na sila ay itali para mawala ang nerbiyos.
“Mas safe po na ilagay siya sa pahapunan/roost matapos talian sa kanang paa para sa ganoong paraan ay nakatanim na sa kanyang isipan kung saan siya matutulog para hindi sya hila nang hila sa kanyang tali before mag-6 pm na maaaring maging dahilan ng kanyang pamimilay,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Mainam din umano na palipat-lipat ng talian ang ating mga stag nang sa gayon ay masanay sila sa iba’t ibang lugar at hindi naninibago.
“By the time na nakatali na sila, importante na weekly 7 days ay iba’t iba ang katabi niya sa talian para masanay siya na kahit saang lugar siya dalhin ay hindi siya nerbiyosin kasi nga territorial in nature sila,” ani Doc Marvin.
“Dapat stag kasing edad din ang katabi nila at huwag muna isasama sa talian ng mga cock o magugulang na manok lalo na sa unang araw palang ng pagtatali kasi malakas maka-nerbiyos sa kanila na puwedeng maging dahilan na sila ay tuluyang masira,” dagdag pa niya.
Aniya, dapat pitong buwan ang edad ng ating mga stag kung sila ay ating ibibitaw para buong-buo na talaga ang loob.
“To be safe maganda po ang unang bitaw ay 7 months old para wala nang masyadong nerbiyos o buo na loob nila sa pakikipaglaban,” ani Doc Marvin.
“Para makita mo talaga ang cutting ability at power ng palo niya, maganda ay early in the morning ibitaw para nasa hamogan kasi mataas pa ang moisture nila sa katawan o matubig pa. Para sa akin, kung super na ang palo niya na hindi pa siya naaarawan ay mas lalo na po pumuputok ang palo niyan kapag nasikatan ng araw. Kung pipili ng panlaban, mas maganda talaga ay madaling araw kasi ang manok na magaling sa madaling araw ay paakyat ‘yan at ‘yung manok na mahina sa madaling araw ay pabagsak ‘yan!” dagdag pa niya.
Comments are closed.