UNANG BABAENG PROVINCIAL DIRECTOR ITINALAGA SA BULACAN

Emma M. Libunao

NANUNGKULAN na ang bagong provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO)sa katauhan ni P/Col.Emma M. Libunao at kanyang pinalitan sa puwesto si P/Col. Chito Bersaluna na nanungkulan sa probin­siya ng mahigit isang taon at kalahati sa turn-over ceremony sa Camp. Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga.

Si Libunao ay itina­laga sa puwesto ni P/Brig. Gen. Rhodel O. Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa formal turn-over kahapon at pamilyar na rin si Libunao, kauna-unahang babaeng Provincial Director ng Bulacan dahil nanungkulan na rin siyang Chief of Police (COP) sa bayan ng Balagtas, Malolos at San Ildefonso bago siya na assign sa Directorate for Police Community Relations sa National Head-quarters at gumawa siya ng kasaysayan bilang unang babaeng Provincial Director sa Bulacan.

Tiniyak naman ng opisyal na mahusay niyang magagampanan ang kanyang tungkulin bilang pinakamataas na opisyal ng PNP sa Bulacan at sa tulong ng komunidad ay ipagpapatuloy niya at paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at masasamang elemento para mapanatili ang peace and order situation sa lalawigan.

Inaasahan namang muling palalakasin ng Bulacan PNP ang kampanya laban sa droga at kriminalidad sa Bulacan kung saan posibleng maging drug free na ang lalawigan sa taong 2020. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.