INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na naging matagumpay ang unang bahagi ng konsolidasyon ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi DOTr Secretary Jaime Bautista na umabot na sa 86% ang completion rate hanggang nitong Disyembre 31, 2024.
Ang susunod namang bahagi ng programa ay ang Route Rationalization na naglalayong tukuyin ang mga sustainable at profitable na ruta para sa mga pampublikong sasakyan.
Makikipag-ugnayan ang kagawaran sa local government units (LGUs) para matukoy ang mga rutang ito.
Kapag natukoy na ay i-re-require naman nila ang mga operator na mag-modernize.
Sa kasalukuyan ay 20% pa lamang ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ang natatapos sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at LGUs.