DAGDAG-KAALAMAN kaugnay sa pagtukoy ng iba’t ibang sakit at paggabay sa mga pasyente ang naituro ng Department of Health-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa daan-daang barangay health workers sa idinaos na dalawang araw na convention sa The Heritage Hotel sa Pasay City.
Ito ang unang Barangay Health Workers (BHWs) Convention na isinagawa ng DOH at may temang “Makabagong Barangay Health Worker Para sa Modernong Panahon” na dinaluhan ng 540 participants mula sa limang lalawigan.
“Health care delivery in the community has evolved and continuous to advance with the help of modern technology which increases the demand for development opportunities for our BHWs. That is why the regional office continuous to implement strategies towards development of skills and competencies of our health workers,” pahayag ni Regional Director Eduardo C. Janairo sa pagsisimula ng programa na ginanap sa The Heritage Hotel sa Pasay City.
Base sa talaan ng BWHs ng Hunyo 15, 2018 ay hindi man lang naisailalim sa Basic Training Course ang may 22, 124 registered BHWs.
Layunin ng convention na maipon ang BHWs mula sa mga bayan ng Calabarzon upang dumalo sa pagtalakay sa iba’t ibang aspeto ng kalusugan.
Ayon naman kay DOH Calabarzon Infectious Cluster Head Maria Elena Castillo-Gonzales, dapat ay matuto ang mga BHW sa pagtukoy sa sakit ng mga pasyente, halimbawa ay ang sakit na tuberculosis o TB. “Kailangan natin silang mahanap, maipagamot at mapagaling sa tulong ninyo.”
Maituturo ng BHWs sa mga pasyente ang mga kaalaman tungkol sa TB sa pamamagitan ng pagkolekta ng sputum ng hinihinalang mayroong sakit nito, para malaman kung papaano gagamutin.
Ang BHWs ang may direktang koneksiyon sa mga residente kaya dapat silang turuan ng pagkilala o pagtukoy ng mga uri ng sakit sa komunidad, katulad din ng dengue at leprosy, dagdag naman ni DOH Undersecretary Roger Tong-an. SCA
591782 207469The the next time I just read a weblog, I genuinely hope that this doesnt disappoint me approximately brussels. Get real, Yes, it was my option to read, but I truly thought youd have some thing intriguing to say. All I hear is normally a couple of whining about something that you could fix when you werent too busy looking for attention. 100615
735960 532617I genuinely like your article. It is evident that you have a lot understanding on this subject. Your points are effectively made and relatable. Thanks for writing engaging and intriguing material. 171672