INILAGAY ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical Cyclone Warning Signal 1 kanina ang anim na probinsiya sa Northern Luzon nang maging bagyo ang low pressure area (LPA) na pinangalanang Josie.
Halos kasabay ng pag-alis ng bagyong Inday sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na humigop at nagpalakas sa hanging habagat, pumasok naman ang bagyong Josie.
Matatandaang nagdala ng malalim na baha sa Northern Luzon, Metro Manila at iba pang karatig probinsiya ang bagyong Inday.
Isinailalim sa Signal No. 1 ang Batanes, Northern Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, northern parts ng Ilocos Sur, Apa-yao at ilang bahagi ng Abra.
Inulan din ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Bulacan at Pampanga.
Samantala, kinumpirma ni Dagupan City Councilor Joey Tamayo na isinailalim na sa state of calamity ang buong siyudad ng Dagupan dahil sa ma-lawakang pagbaha.
Posibleng magamit ang calamity fund ng lungsod lalo na’t lumalabas sa assessment, na ang buong Dagupan City ay apektado ng nasabing pagbaha. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.