UNANG CREATIVE HUB SA PH BINUKSAN NG DTI

PORMAL na binuksan ang ENSAYO Creative Hub sa Department of Trade and Industry (DTI) – Philippine Trade Training Center – Global MSME Academy, Pasay City kamakailan.

Pinangunahan ito nina DTI Secretary Alfredo Pascual at Pangasinan 4th District Rep. Christopher V.P. de Venecia, chairperson ng House of Representatives Special Committee on Creative Industry.

Ang ENSAYO Creative Hub ay binuo upang palakasin ang mga kakayahan ng malikhaing industriya ng Pilipinas at higit na maisulong ang global competitiveness ng bansa.

Alinsunod sa Philippine Creative Industries Development Act (PCIDA) na naging batas noong Hulyo 28, 2022, ang ENSAYO Creative Hub ay magsisilbing instrumento para itaguyod ang mga layunin na protektahan at palakasin ang mga karapatan at kapasidad ng iba’t ibang stakeholder sa loob ng creative sector ng bansa.

Ang PCIDA ay isang mahalagang bahagi ng batas na magbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-aalaga ng isang masiglang industriya ng malikhaing Pilipino. Binibigyang-diin din nito ang pangangalaga sa mga interes ng mga malikhaing kompanya, artist, artisan, creator, creative worker, indigenous cultural communicaties, at creative content provider. Kinikilala ng batas na ito ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagkamalikhain at kultura sa pag-unlad ng ekonomiya at panlipunan ng bansa.

Ang ENSAYO Creative Hub ay isang testamento sa pangako ng Pilipinas na pangalagaan at bigyang kapangyarihan ang malikhaing industriya ng bansa. Ito ay magpapakilala ng isang maliwanag na kinabukasan kung saan ang mga talento at mga gawa ng malikhaing Pilipino ay sadyang maipagmamalaki sa lokal at maging sa buong mundo.