Glen S. Ramos
Dubai – Ang matagumpay at kauna-unahang public flight ng flying car na gawa ng Xpeng Inc., isang Chinese electronic vehicle manufacturer, ay isinagawa sa Dubai, United Arab Emirates noong Oktubre 12, 2022.
Ito ay pinangalanang X2 na may isang two-seater electric vertical take-off and landing (eVTOL) aircraft at pinalilipad ng walong propeller – dalawa sa bawat sulok ng sasakyan.
Kasabay rin ng makasaysayang paglipad ang paglulunsad ng kompanya ng nasabing electric aircraft sa mga internasyonal na merkado.
Ayon sa kumpanya, pinili nila na magsagawa ng test flight sa Dubai dahil para sa kanila ito ang pinakainnovative city sa buong mundo.
Ang paglipad ay tumagal ng 90-minuto at inilarawan ng Xpeng Inc. na isang “mahalagang yugto para sa susunod na henerasyon ng mga lumilipad na sasakyan.”
Mabibili ito sa merkado sa susunod na taon at ang halaga ay iaanunsiyo ng Xpeng Inc. sa mga susunod na araw.