KINUMPIRMA ng World Health Organization (WHO) na may naitala nang unang kaso sa Thailand ng bagong virus na hinihinalang mula sa China.
Ang nasabing sakit na katulad ng SARS ang sinasabing nasa likod ng pneumonia outbreak sa China kamakailan.
Ayon sa ulat, isang turista na nanggaling sa Wuhan, China ang naospital sa Thailand noong Enero 8 matapos ma-diagnose na may “mild pneumonia” at sa pagsusuri ay nakumpirma na ang coronavirus ang pinagmulan nito.
Ang Thailand ang unang bansa na nagkaroon ng kaso ng bagong virus sa labas ng China.
Iniulat na nitong pagpasok ng Bagong Taon ay 41 katao sa China ang nagkaroon ng sakit na may sintomas ng pneumonia.
Nagsimula ang naturang sakit sa lalawigan ng Wuhan, at isa sa mga pasyente ang namatay na.
Ang virus ay nagdudulot ng karaniwang lagnat at sipon hanggang sa mas malubhang SARS.
Comments are closed.