NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng unang kaso ng Lambda variant ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon matapos na ilabas ang resulta ng huling genome sequencing na isinagawa nila katuwang ang University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).
Batay sa ulat, nabatid na ang unang Lambda variant case sa bansa ay isang 35-anyos na babae na bina-validate pa kung local case o returning overseas Filipino (ROF).
Ang pasyente ay asymptomatic at nakarekober na matapos na sumailalim sa 10-day isolation period.
Anang DOH, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng back tracing at case investigation hinggil dito.
Ang Lambda variant ng COVID-19 ay unang natukoy sa Peru noong Agosto 2020.
Ito ay klasipikado bilang Variant of Interest (VOI) ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 14, 2021.
Anang DOH, ang naturang VOI ay may potensiyal na makaapekto sa transmissibility ng SARS-CoV-2 at kasalukuyang mino-monitor para sa posibleng clinical significance nito. Ana Rosario Hernandez
142073 215423Thank you for any other fantastic post. 162914
858394 582651Can anyone support me out? It will likely be a lot appreciated. 14099
40782 127032I genuinely like your writing style, excellent information , thankyou for putting up : D. 410844
397461 538680Thanks so a lot for one more post. I be able to get that kind of details information. friend, and exactly. 585631