UNANG OFFSITE VACCINATION NG LUCENA LGU, SUMIPA SA SM CITY LUCENA

TINANGGAP  ng Lungsod ng Lucena ang hamon ng Department of Health (DOH) na makapagbakuna ng 17,500 katao sa loob ng isang linggo.

Ito ang natutuwang pahayag ni Development Management Officer Ritchie Villasanta, representante ni DOH Regional Director Dr. Eduardo Janairo, sa ginanap na ceremonial vaccination program sa SM City Lucena, ang kauna-unahang offsite venue para sa pagbabakuna sa lungsod.

Kumpiyansa si Mayor Roderick Alcala na kakayanin ng lungsod ang hamon ng DOH Region 4 dahil marami ang nagtetext sa kanya na Lucenahin upang magtanong kung kelan sila mababakunahan.

Samantala, nakasama ni Mayor Alcala sa vaccination program sa SM Lucena sina City Administrator Anacleto Alcala Jr., Executive Assistant Mark Alcala, Konsehal Benito Brizuela Jr., at OIC ng City Health Office Dr. Jocelyn Benitez-Chua.

Inaasahang 23,500 Janssen vaccine ang maituturok sa pitong araw ng vaccination program sa naturang mall.

8 thoughts on “UNANG OFFSITE VACCINATION NG LUCENA LGU, SUMIPA SA SM CITY LUCENA”

  1. 710516 979779Youre so cool! I dont suppose Ive read anything such as this before. So nice to get somebody with some original thoughts on this subject. realy we appreciate you starting this up. this fabulous site are some things that is required on the internet, somebody with just a little originality. beneficial work for bringing a new challenge on the world wide internet! 791748

Comments are closed.