MUKHANG May is Julie Anne San Jose’s month. Bukod sa buwan ito ng kanyang birthday, napakagandang simula na agad ang bumungad sa Asia’s Pop Sweetheart dahil umere na nitong Lunes ang pinakabago niyang GMA series na My Guitar Princess.
Mainit ang naging pagtanggap dito ng mga manonood. Naging top-trending topic pa nga ang hashtag na #MGPMusicIsLife sa Twitter. Ayon sa mga netizen, malakas daw maka-good vibes at magpakilig ang nasabing musical rom-com series na mapanonood sa umaga. Dagdag pa rito ang nakaaaliw na acting ng beteranang aktres na si Sheryl Cruz na bagay na bagay daw maging nanay ni Julie Anne dahil natural ang kanilang chemistry bilang mag-ina.
Kaabang-abang din, ayon sa mga comment, ang pagsisimula ng love triangle ng karakter nina Julie Anne, Kiko Estrada at Gil Cuerva bilang Celina, Justin, at Elton.
Karamihan pa sa tweets ng mga netizen na nabasa namin, sinabing ito na ang pinakabagong morning habit nila bago magtanghalian.
Taray naman ni Julie Anne. Kabogera ka, as always, girl!
MAZEN NEWEST SHOWBIZ CHILD WONDER IN THE MAKING
MAKULIT at nakatutuwa ang two-year-old boy na si Mazen na ngayo’y lalabas sa Maalaala Mo Kaya bilang nakatutuwang baby sa drama anthology ng Kapamilya Network. Super cute ng baby kaya pinagkakaguluhan lagi sa set at maraming nagsasabi na si Mazen ang susunod na child wonder ng local showbiz.
Sinabi ng mother ni Mazen na si Josephine Aruta na si Mazen at very young age (less than 2 years old) ay mahilig nang manggaya ng mga palabas sa Youtube na pambata. Mahilig din siyang mag-hum ng song at very attentive siya kapag nanonood na may sumasayaw at kumakanta. Minsan nanggagaya rin ng mga batang napapanood niya. Favorite niya sa Youtube ang music video ng singer na si Matty Braps.
Malaki rin si Mazen sa pangkaraniwang Pinoy babies. Hindi naman kataka-taka dahil mataas ang father ni Mazen na may dugong Lebanese known as Steve.
Ayon sa mother na si Josephine, pumasa agad sa tapings at commercial si Mazen dahil wala itong tantrums, masayahin sa set at nangungulit lang kapag naiinitan o nagugutom. Madaling alagaan si Mazen.
PEPITO MANALOTO MULING NAG-UWING PANALO
KUNG ang Pepito Manaloto’y namamayagpag sa TV ratings tuwing Saturday evening, umaalagwa rin ito ngayon sa mga award-giving bodies .
Wala na talagang makapipigil sa pamamayagpag ng Pepito Manaloto—sa ratings man o awards.
Pinangungunahan ang programa ng no.1 comedian ng GMA, muli na namang nag-uwi ng panibagong parangal ang Pepito Manaloto. Matapos makuha ang Best Situational Comedy Program sa 2018 Platinum Stallion Media Awards of the Trinity University of Asia noong nakaraang buwan, kinilala ito bilang Best Comedy Program sa 16th Gawad Tanglaw Awards recently. Iba talaga ang gawang Kapuso! Unli-entertainment na, puno pa ng magagandang aral ang tinuturo. Congratulation Pepito Manaloto! Congratulations, Kapuso!
Comments are closed.