DINUMOG ang pink carpet premiere night ng “Family History,” ang first movie na dinirek ni actor-comedian Michael V. Si Bitoy din, as he is fondly called, ang scriptwriter, producer at actor ng co-production venture ng GMA Pictures at ng Mic Test Entertainment ni Bitoy at wife niyang si Carol Bunagan.
Maaga pa ay dumating na ang cast at mga kasamahang Kapuso artists ni Bitoy sa Cinema 3 ng SM Megamall bilang pagsuporta sa kanya at sa movie.
Ilan sa mga dumating sina Alden Richards, sweethearts Barbie Forteza at Jak Roberto, Diana Zubiri with husband Andy Smith, comedy team nina Boobay at Tekla, Ronnie and wife Ida Henares, Dingdong, Jessa and daughter Jayda Avanzado, tween actress Therese Malvar, Thea Tolentino at mga ka-Bubble Gang na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Betong Sumaya, Ashley Rivera, Analyn Barro at Maureen Larrazabal. Dumalo rin ang Final 11 ng reality-artista search na “StarStruck 7.”
SRO ang Cinema 3 at ang sarap pakinggan ang tawanan at palakpakan, at may mga umiyak din sa eksena. Ang “Family History” ay magpapakita sa mga manonood ng isang magandang love story, ang pagmamahal sa pamilya at ang suporta ng mga kaibigan sa oras ng pangangailangan. Graded B ang movie ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG Rating naman ang ibinigay ng MTRCB. Showing na ito in cine-mas nationwide.
EAT BULAGA CELEBRATES 40 YEARS
ISI-CELEBRATE ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ang kanilang 40th anniversary ngayong araw, July 27, sa Amoranto Stadium. Maraming sorpresang nakalaan ang Dabarkads at ang show, pero ang tiyak na aabangan dito ay ang kanilang “Rush 4Win Slippery Stairs” dahil ang maglalaban-laban ay ang mga lady Dabarkads na sina Luane Dy, Pia Guanio, Malaya, Rizza Mae Dizon at Maine Mendoza.
Sasamahan din sila ni Ciara Sotto para kay Pauleen Luna at si Toni Aquino, para sa mommy niyang si Ruby Rodriguez. Maganda ang laban na ito, sino kaya ang magwawagi?
Anytime next week pala ay magsisimula nang mag-taping si Alden Richards ng bago niyang soap sa GMA Network. Nag-courtesy call sila ng mga co-Kapuso artist niyang sina Mikee Quintos, Jo Berry at Betong Sumaya kay Manila City Mayor Isko Moreno. Sabi ay ang kukunan ang kabuuan ng serye sa Manila, particularly sa Divisoria. Ang serye ay ididirek ni LA Madredejos.
ANDREA TORRES ‘DI NA MAKAPAG-DATE DAHIL SA SERYE
HINDI na pala nakalalabas ngayon si Andrea Torres para makipag-date dahil sa pagti-taping niya ng primetime sexy drama series niyang “The Better Woman.” Bukod sa malayo ang location ng taping nila, sa Laiya, San Juan, Batangas, natsa-challenge siya sa kambal role niya bilang ang mabait na si Jasmine at ang palaban na si Juliet.
“Medyo mahirap po kasi kailangang laging proper ang paghahanda ko sa eksena lalo na kung magkasama sila sa isang frame, iyong isang simple wife na si Jasmine at ang palaban niyang ate, si Juliet,” natatawang wika ni Andrea. “Pero masaya rin, dahil kung madalas akong umiiyak bilang si Jasmine, nakakabawi naman ako kapag nagtataray na si Juliet, na mas madaling gawin para sa akin.”
Thankful si Andrea sa leading man niyang si Derek Ramsay, dahil napaka-comfortable daw siyang kaeksena ito, to think na big star ito kaysa sa kanya.
Ang “The Better Woman” ay napanonood pagkatapos ng “Sahaya” gabi-gabi.
Comments are closed.