WAGI ang 23-anyos na Filipina na taga-Las Piñas City matapos makamit ang tagumpay at kilalanin sa buong mundo sa katatapos na United Nations DRR Rising Star Award Advocates for Food Security.
Si Robyn Mijares, Founder at Executive Director ng Youth Uprising – isang Non-Profit na organisasyon na nagbibigay ng libreng accessible na environmental at agricultural education sa marginalized Filipino Youth ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ay itinanghal na WIN DRR Rising Star sa panahon ng Ika-10 Sesyon ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa ginawa sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang kanyang walang humpay na dedikasyon at innovative spirit para sa kung paano ang mga kabataang lider ay makapagsusulong ng malaking pagbabago sa kanilang mga komunidad, na nakatanggap ngayong taon ng Women’s International Network for Disaster Risk Reduction (WIN DRR) Rising Star Award – ang kauna-unahang Filipino na nanalo ng ganitong prestihiyosong parangal sa kasaysayan.
Sa talumpati ni Mijares ay pinasalamatan niya ang kahanga-hangang tagumpay ng kanyang mga kapwa finalist, na gumanap sa isang mahalagang papel sa pag-unawa, pag-iwas at pagbabawas ng panganib sa sakuna.
SID SAMANIEGO