UNANG PINOY SA COVID-19 SA HK NAKALABAS NA NG OSPITAL

Raly Tejada

KOWLOON- NEGATIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang unang Filipino na nakumpirmang positibo sa naturang sakit sa sa Hong Kong (HK).

Ito ang resulta sa muling pagsasagawa ng pagsusuri sa bab­­a­e­n­g Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa mensahe ni Philippine Consulate General in Hong Kong Raly Tejada, gumaling na mula sa virus ang OFW at malusog na rin.

Nakabalik na rin aniya ito sa bahay ng kanyang employer.

Samantala, may dalawa pang Filipino ang nananatili sa isolation matapos na magpositibo sa COVID-19.

Umaasa naman si Tejada na makakalabas din ang mga ito sa pagamutan sakaling makarekober na at maging “asymptomatic” o wala nang “flu-like symptoms.”

Kaugnay nito, patuloy ang paalala nito sa mga kababayan ng pagsunod sa precautionary measures upang hindi mahawaan ng nakakamatay na sakit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.