UNANG PUI NA NAMATAY, NEGATIBO SA NCOV

San Lazaro Hospital

NEGATIBO  sa novel coronavirus (nCoV) ang patient under investigation (PUI) na nasawi sa San Lazaro Hospital kamakailan.

Ayon kay Health Director for Epidemiology Bureau Fercito Avelino, ito ang kinumpirma ng confirmatory test result na nagmula sa Australia.

Una nang nadala sa naturang ospital ang lalaki na nagmula sa Wuhan Province dahil sa pagpapakita ng flu–like symptoms at una nang nagpositibo sa human immunodefiency virus (HIV).

FILIPINO-CHINESE BIZMEN UMAPELA

Umapela kamakailan sa publiko ang  kapulungan ng mga negosyanteng Filipino-Chinese  na  tigilan na ang pagpapakalat ng fake news at racist remark kaugnay sa novel coronavirus (nCoV).

Sinabi ni Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) president Dr. Henry Lim Bon Liong na  ang pagpapakalat ng fake news at racist message ay mas delikado pa sa virus dahil sa negatibong epekto nito sa ibang tao.

Sa halip  na magpakalat ng post laban sa China, dapat bigyan na lang ng moral support ang China, na matagal nang kaalyado ng Fi­lipinas.

“Let us not join some misinformed people in their unfair anti-China racist stereotypes and xenophobic attacks, because this important Asian neighbor is the Philippines’ traditional ally and longstanding trade partner for over 1,000 uninterrupted years,” giit ni Liong sa statement.

“In fact, we should give moral support and encouragements to China in their valiant efforts to contain this ailment,” dagdag pa niya.

Comments are closed.