MINDANAO- BINUKSAN ng University of Santo Tomas ang una nilang campus sa lalalwigang ito.
Pinangunahan nina Bishop Cerilo Alan Casicas ng Marbel at Dominican Prior Provincial Fr. Filemon dela Cruz Jr. ang inagurasyon sa 82-hectare campus sa General Santos City nitong Abril 11.
Sa ulat na naka-post sa Catholic Bishop Conference of the Philippines, alok ng na educational program o course ang health sciences, business and accountancy, at engineering and information technology para sa inaasahang initial 500 enrollees.
Una nang sinabi ni UST Rector Fr. Richard Ang na ang Mindanao campus sa General Santos City ay isang “an educational center” sa rehiyon.
Ang pitong palapag na gusali ng paaralan ay kayang mag-accommodate ng 5,000 students at ang disensyo nito ay isinunod sa UST main campus sa Sampaloc, Maynila.
EUNICE CELARIO