UNANG SEAFARER WELFARE HUB BINUKSAN

BINUKSAN  ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang unang Seafarers Welfare Hub sa 1108 A. Mabini Street, Malate, Manila.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, bukas ito 24 oras para sa mga seafarers at mayroon ding libreng pagkain.

“Nakikita ko na yung mga seafarers nakatambay diyan sa T.M. Kalaw, ganyan yung envelope nila….dun sa init, tapos walang makain. Naghanap kami ng lugar na malapit kung saan sila tumatambay, we provide food, a very, very decent ‘tambayan’ and it’s 24 hours bukas. Walang magpapaalis sa kanila dito,” ani Ignacio.

Maari rin umanong mag-report ang mga biktimang seafarers na may kinalaman sa kanilang aplikasyon sa nasabing hub dahil
mayroon itong one-stop center para sa mga iba’t ibang services.

“Yung ambulance chasing kasi, very rampant na yan. Kinakausap sila, pagkatapos papipirmahin ng kung ano and then pag nag-file na ng mga kaso at nanalo sila, wala silang nakukuha because of you know, things that they signed.

Now we will also provide, with the IBP, legal assistance,” ani Ignacio.

Naghahanda na rin ang OWWA para sa pagbubukas ng ikalawang OFW lounge sa NAIA Terminal 3. LIZA SORIANO