(Unang shipment nagmula sa Mindanao) ABOKADO NG PH PASOK SA JAPAN

NAG-EXPORT ang Pilipinas ng unang Hass avocado supply nito sa Japan, kung saan ang unang shipment ay nagmula sa Mindanao, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“This is a testament to the Philippines’ dedication to expanding its agricultural exports and the high quality of our farm produce,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang statement.

“We are proud to announce that the Philippines is the first country in Asia to export Hass avocados to Japan,” wika ni Tokyo-based Agriculture Attaché Aleli Maghirang.

“This provides local producers with an excellent opportunity to capitalize on Japan’s growing demand for fresh fruits,” aniya.

Ang Japan ay major importer ng Hass avocados, na may imports na nagkakahalaga ng $160 million na may 61,000 metric tons noong 2023.
Kabilang sa mga supplier nito ay ang Mexico, Peru, Australia, New Zealand at United States.
“Securing access to Japan’s highly competitive market for Hass avocados is a significant step forward in our trade relations with Japan,” ani DA Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban.
Ayon sa DA, ang paglawak ng Hass avocado exportation ay kaalinsabay ng paglago ng agricultural exports ng Pilipinas sa Japan.

Noong 2023, ang bansa ay nag-export ng $1.1 billion na halaga ng agri-fisheries products sa Japan, na nagresulta sa $990 million na halaga ng trade surplus.

“We are optimistic that this access granted by Japan will lead to opportunities in other international markets for locally-grown Hass avocados,” sabi ni Tiu Laurel.

Ang global market para sa Hass avocados ay inaasahang aabot sa $8 billion sa 2025.

Ang Hass avocado ay ang mas maliit na variety ng abokado. Mayroon itong pebbly skin at nagiging purplish-black kapag hinog. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA