UNANG SIMBANG GABI  SA METRO “GENERALLY PEACEFUL”

SIMBANG GABI

SA PANGKALAHATAN ay naging mapayapa ang unang Simbang Gabi sa Metro Manila, ayon kay PNP National Capital Regional Police Office Chief, Director Guillermo Eleazar

Madaling araw, personal na nag-inspection si Eleazar sa iba’t ibang simbahan partikular sa Parokya ng  Quiapo, Sta Cruz, Binondo at Manila Cathedral.

Bagama’t walang namo-monitor na banta sa seguridad ang NCRPO, hinimok ni Eleazar ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.

Magugunitang nakataas ang alerto  ngayon ng NCRPO, bilang bahagi ng Ligtas Paskuhan 2018 na inilunsad ng PNP at nag-deploy rin ng may 8,000 pulis sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar,  magpapatuloy pa rin ang kanilang police visibility hindi lamang sa mga simbahan maging sa mga kalye at iba pang mga places of convergence upang matiyak na ligtas ang mga dadalo sa Simbang Gabi.

Samantala, nili­naw ni PNP Chief, Director General Oscar Alba­yalde na kaugnay sa Ligtas Paskuhan 2018 kaya doble ang mahigpit na seguridad na kanilang iniimplementa.

Layunin nito ay upang maiwasan ang anumang kaguluhan sa panahaon ng siyam na pagdaraos ng  Simbang Gabi. VERLIN RUIZ

Comments are closed.