UNANG SIMBANG GABI UNDER PANDEMIC GENERALLY PEACEFUL-PNP-NCRPO

PARANG bumalik sa normal ang isa sa mga tradisyunal na selebrasyon ng yuletide season sa Pilipinas nang dumagsa ang mga debotong Katoliko sa ibat ibang simbahan sa pagdiriwang ng unang simbang gabi sa gitna ng umiiral na pandemya dala ng coronavirus.

Dumagsa ang mga mananampalatayang Katoliko sa mga simbahan sa buong bansa para sa tradisyunal na simbang gabi matapos na bahagyang magluwag sa pinaiiral na health and safety protocols at hayaang papasukin ang hanggang 50 percent ng church capacity habang 70% naman ang pinayagan sa labas ng simbahan.

‘One of the traditional celebrations of the holiday season is almost back to normal after getting sidelined during the Covid-19 pandemic,” at ikinagalak ng PNP-National Capital Regional Police Office na maituturing na generally peaceful naman at walang naitalang mga untoward incidents sa unang araw ng simbang gabi na nagsimula kahapon ng madaling araw.

Ayon kay NCRPO chief MGen. Vicente Danao Jr., mahigpit ang kanyang direktiba sa mga district director na tiyakin na may sapat na seguridad sa mga simbahan na nasa kani-kanilang areas of responsibility.

Sa ginawang pagbabantay ng NCRPO, nasa mahigit 61,000 crowd ang dumalo sa misa sa may 313 simbahan sa Kalakhang Maynila.

Base sa ibinahaging impormasyon ni NCRPO spokesperson Lt Col. Jenny Tecson, nasa mahigit kumulang na 3,000 pulis ang pinakalat ng NCRPO katuwang ang mahigit 11,000 force multipliers, para mapanatili ang kaayusan at seguridad at para ma-observe ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Una nang nakiusap si Gen. Danao sa publiko na sumunod sa pinapairal na MPHS at huwag pakampante dahil ang banta ng COVID-19 ay nariyan pa rin.

Samantala, pinaalalahanan din ni Gen. Danao ang mga dadalo ng anticipated mass at simbang gabi, tiyaking naka-padlock ng maayos ang mga bahay, mga pintuan, bintana at gate at huwag bigyan ng pagkakaton ang mga masasamang loob.

Huwag iwanan ng may mga ilaw lalo na ang mga Christmas light na nakabukas lalo kung ito ay iiwanan ng matagal at walang maiiwan sa mga bahay.

Huwag ding magsusuot ng mga mamahaling alahas na takaw tingin sa mga kawatan, magdala lang ng tamang halaga at kung maari ay huwag gumamit o mag- display ng mga celfone sa mga mataong lugar o habang naglalakad. VERLIN RUIZ