Ang isang oras at 14 na minutong unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ay umikot sa ekonomiya, kalusugan, agrikultura, edukasyon, teknolohiya, kasama na ang internet connection, pagkukunan ng enerhiya, kalikasan, epekto ng climate change, overseas FIlipino workers. seguridad at proteksiyon sa territorial waters.
Ganap na alas-4:07 ng hapon nang simulan ni PBBM ang kanyang talumpati na inumpisahan sa fiscal recovery o pagbangon sa ekonomiya at pananalapi.
May batas, aniya, na kanyang tututukan para mapatatag ang pananalapi ng bansa gaya sa investment promotion destination, foreign investment act at pagpapatupad ng value added tax (VAT).
Pangalawa ay ang usapin ng pamamahagi ng lupain sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.
Upang maengganyo ang kabataan, ang lahat ng magtatapos ng kursong agrikultura ay bibigyan ng sariling lupain.
Hindi rin bulag si Pangulong Marcos sa tumataas na inflation rate subalit sa kanyang direktiba sa kanyang economic managers ay reremedyuhan ito upang mapababa ang inflation rate.
Ipinaliwanag ng Chief Executive na kontrolado ng world market ang presyo ng langis subalit may mga pag-aaral na bababa ng hanggang $70 ang kada bariles ng krudo sa susunod na mga taon.
Inatasan niya ang National Economic Development Authority (NEDA) na madalas na makipag-ugnayan sa mga counterpart nito para sa mas magandang koordinasyon.
Para sa food security, palalakasin ang agrikultura kasama na rito pagpaparami ng produksiyon on ng magsasaka at mangingisda .
Sa imprastraktura ay nais ng Pangulo na madagdagan ang paliparan at mga kalsada.
Isa sa standing ovation at pinalakpakan ay ang sinabi ng Pangulo na bibigyan ng pansin ang health care system ng bansa at ang pagtatayo ng Center for DIsease Control and Prevention at Vaccination Institute.
Inatasan naman ng Pangulo ang DSWD na biilisan ang pag-aksiyon sa mga nangangailangan at ayudahan ang mga biktima ng kalamidad at krisis kaya daragdagan ang mga imbakan ng relief goods.
Sa edukasyon, tiniyak ni PBBM na tuloy ang face-to-face classes dahil hindi na magpapatupad ng lockdown kaya naman kanyang hinikayat ang lahat na magpabakuna.
Magkakaroon, aniya, ng refresher course sa mga guro upang maging dekalidad ang pagtuturo ng mga ito na magreresulta ng sapat na kalaaman sa kabatan
Ikinagalak din ni PBBM ang 1.3 milyong benepisyaryo na tinanggal sa 4PS at hindi, anya, ibig sabihin nito ay pinagkaitan ng tulong dahil nangangahulugan na graduate na sa kahirapan.
Anya, dapat nang wakasan ang stigma ng mahinang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
Para pa rin sa edukasyon at kalakalan, palalakasin ang internet connection kung saan isusulong ang Broad Band ng Masa project at may malaking papel na gagampanan ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Binanggit din ni PBBM ang Mandanas ruling na ibig sabihin ay susubukan ng bawat probinsya na imaneho ang kanilang ekonomiya.
Sasandig din ang Pilipinas sa digital teconology at kasama rin ang pagpapalakas sa railway system para sa mabilis na biyahe ng kalakalan.
Bukas din ang ika-17 pangulo sa pakikipagkalakan sa ibang bansa kaya naman palalakasin ang pagkakaibigan subalit hindi nangangahulugan na magpapasakop gaya sa usapin sa West Philippines Sea.
Isa pang pinalakpakan ang pagbibigay ng importansiya sa proteksyon sa overseas Filipino workers kaya naman tuloy ang mandato ng bagong tatag na Department of Migrant Workers na isinabatas sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod nito ang pagbibida ni PBBM sa paglika sa One Repatriation Command center na laan sa OFWs.
Nabanggit din na para maging sapat ang enerhiya ay sasandig ang bansa sa renewal energy habang makikag-ugnayan ang bansa sa mga eksperto para sa nuclear power plant.
Upang sumulong ang bansa, tiniyak din ni PBBM na hindi lang itutuloy, kundi palalawakin pa ang mga proyekto ng Duterte administration.
Para naman sa seguridad, pabor ang Pangulo sa paggamit ng National ID System.
Samatala, ilan sa 20 priority bills na nais ni PBBM na agad maisabatas ang national rightsizing program, budget modernizarion bill, tax packate and valuable bill, passive income taxation act, e-government act , amendment of EPIRA aqt at law natural gas industry.
Hindi man nabanggit ang seguridad sa estado, kabilang sa priority biils ni PBBM ang National Defense Act.
Magugunitang alas 3:58 ng hapon nang makapasok si Pangulong Marcos sa plenaryo at pumailanlang ang tugtog na Pilpinas kong Mahal at isa-isa siyang binati ng mga senador at kabilang sa kumamay sa kanya sina Senators Grace Poe at Nancy Binay at iba pang senador.
Inikot niya ang mga kongresista, gayundin ang mga senador.
Eksaktong alas-4 ng hapon ay nagsimula ang joint session
Nanguna sa pag-awit ng Lupang Hinirang ang Choir of Ilocos Norte.
SIinundan ito ng panalangin ng ilang pinuno ng relihiyon habang ang talumpati ni PBBM at halong tagalog at English na ginanap sa pamamagitan ng hybrid kung saan ang hindi nakadalo gaaya nina dating Pangulong Gloria Arroyo at Erap Estrada ay hinayaang makipag-interact gamit ang Zoom o virtual conference.
EVELYN QUIROZ