UNDAS 2018 GENERALLY PEACEFUL

UNDAS 2018

CAMP CRAME – MATIWASAY pangkalahatan ang paggunita sa Todos Los Santos ng sambayanang Filipino kahapon at pagkakaroon ng magandang panahon.

Una rito, magugunitang ipinag-utos ni PNP Chief, DG Oscar Alba­yalde na itaas ang antas ng alerto sa buong bansa kaugnay sa kanilang Ligtas Undas 2018 kasabay sa pagtatalaga ng mahigit 30,000 police personnel sa mga sementeryong inaasahang da­dagsain ng sambayanan.

Sa Metro Manila, kung saan inaasahang aabot sa apat na milyon na Filipino ang dadalaw sa mga sementeryo ay sinasabing nag-ing mapayapa sa pangkalahatan sa ­unang mga oras ng paggunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, simula umaga ng Huwebes, walang naitatalang untoward incidents sa mga sementeryo.

Dahil naging maganda na ang panahon kahapon ay maaga pa lamang ay nagsi­mula  nang dumagsa ang libo-libong bisita sa sementeryo para gunitain ang Undas sa mga puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay.

Sa Manila North Cemetery, pumalo na sa mahigit isang ­milyon  ang bilang ng mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak  pagsapit ng alas-1 ng hapon, habang nasa 122 libo naman ang naitala sa Manila South Cemetery bandang  tanghali.

Sa North Cemetery sa Maynila ay inaasahang aabot sa 2 milyon ang magdadagsaan sa buong maghapon habang  inaasahang aabot naman sa  400,000 ang magtutungo sa South Cemetery sa lungsod ng Makati.

Sa Loyola Memorial Park sa Marikina, naitala ang 10,460 bisita bandang  alas-11 ng umaga.

Sa personal na ­pangangasiwa ni ­NCRPO Dir. Guillermo ­Eleazar,  hanggang sa sumapit ang hapon ay nanatiling maayos  ang kalagayan sa mga sementeryo at wala pang naitatalang karahasan.

Maagang nag-ikot si Eleazar sa mga ­sementeryo sa Metro Manila para personal na tingnan ang sitwasyon at ang ipinatutupad na seguridad.

Nagsidagsaan na rin ang mga pasahero sa mga bus terminal na bibiyahe paprobinsiya para sa ­Undas.

Inaasahan hanggang ngayon, ay marami pa ring ang magpupuntahan sa mga sementeryo lalo na ang mga umiwas sa trapiko at sobrang siksikan sa pagpasok sa mga gate ng mga sementeryo.

Bahagya lamang nagkaroon ng antala sa pagpasok sa mga gate bunsod ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga pulis at pag­rekisa sa mga dala ng mga pumapasok.  VERLIN RUIZ

3 thoughts on “UNDAS 2018 GENERALLY PEACEFUL”

  1. 800775 576013Hello! I just wish to give a huge thumbs up for the very good information youve gotten appropriate here on this post. I will likely be coming back to your blog for a lot more soon. 915229

  2. 388030 92750Cause thats required valuable affiliate business rules to get you started on participating in circumstances appropriate for your incredible web-based business concern. Inernet marketing 700195

Comments are closed.